^

PSN Palaro

Alab Pilipinas aasinta ng panalo vs Formosa

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Changhua Stadium, Changhua City, Taiwan)

3 p.m. Alab Pilipinas  vs Formosa

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin ang paghahanap ng Alab Pilipinas sa unang panalo at tiwala si coach Jimmy Alapag na makakamit nila ito ngayon sa kanilang pagtatagpo ng baguhang Formosa Dreamers sa pagpapatuloy ng 2017 ASEAN Basketball League sa Changhua Stadium sa Changhua City, Taiwan.

Dahil maglalaro ang dalawang tropa sa homecourt ng Dreamers, paborito ang Formosa laban sa Alab Pilipinas sa kanilang pagkikita sa alas-3 ng hapon.

Makaraang mabigo sa unang tatlong laro, na­ngungulelat ang koponan ni Alapag sa 0-3 win-loss kartada habang ang Formosa Dreamers ay uma­ngat sa 1-2 card matapos manalo sa Saigon Heat, 80-75 noong Disyembre 9.

Nakamit ng Natio­nals  ang ikatlong sunod na kabiguan sa Hong Kong Eastern, 96-99 noong Miyerkules sa Southorn Stadium sa Wan Chai, Hong Kong kaya’t asahan na maglalabas si Alapag ng malalim na game plan para makabawi.

Tiyak pangungunahan ng imports na sina Reggie Okosa at Ivan Johnson ang Alab kasama sina Bobby Ray Parks Jr, Dondon Hontiveros, Rico Mauierhofer, John Urbiztondo, Lawrence Domingo at Rob Celis ang kampanya ng Alab Pilipinas sa inaasam na unang panalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with