^

PSN Palaro

US debut gagawin ni Ancajas laban kay Gonzales

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang gawin ni Filipino super flyweight champion Jerwin Ancajas ang kanyang debut sa United States sa Pebrero ng susunod na taon.

Itataya ni Ancajas ang kanyang bitbit na International Boxing Federation super flyweight title laban kay Mexican Israel Gonzales sa Pebrero 3 sa Texas, USA.

Ito ang ikaapat na sunod na pagtatanggol ni Ancajas sa kanyang IBF crown matapos magtala ng sixth-round stoppage kontra kay Irish challenger Jamie Conlan no­ong Nobyembre 18 sa Belfast, Ireland.

Ang 25-anyos na tubong Panabo City, Davao del Nor­te ay lumalaban sa ilalim ng MP Promotions ni Filipino world eight-division king Manny Pacquiao at kasaluku­yang tinutulungan ni Bob Arum ng Top Rank Promotions.

Sinabi ni Ancajas na hindi siya maninibago sa kanyang pagbiyahe sa US.

“Hindi naman siguro makakaapekto sa akin ‘yung cli­mate doon kasi last time sa Belfast, Ireland nakapag-adjust naman ako eh, basta ilang days before the fight dapat nandoon na ako sa Texas,” ani Ancajas.

Kasalukuyang hawak ni Ancajas ang kanyang 28-1-1 win-loss-draw ring record kasama ang 19 knockouts sa pagsagupa kay Gonzales, nagtataglay ng 21-1-0 card tampok ang 8 KOs.

Noong Hulyo 2 ay nakita sa aksyon si Ancajas sa un­dercard ng salpukan nina Pacquiao at Jeff Horn sa Bris­bane, Australia kung saan pinasuko niya si Japanese challenger Teiru Kinoshita sa seventh round.

Balak ni Arum na itapat si Ancajas kina WBO king Naoya Inoue ng Japan, Roman Gonzalez ng Nicaragua, Juan Francisco Estrada ng Mexico at WBC titlist Sor Rungvisia ng Thailand.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with