PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Standhardinger bibinyagan ng Alab Pilipinas

MANILA, Philippines — Hindi sa Philippine Basketball Association unang makikita sa aksyon si Christian Standhardinger kundi sa pagbubukas ng 2017 ASEAN Basketball League sa Nobyembre 19.

Itatampok ng Hong Kong Eastern Long Lions si Standhardinger sa pagsagupa laban sa Alab Pilipinas ni head coach Jimmy Alapag, dating team captain ng Gilas Pilipinas.

Hinirang ng San Miguel ang Filipino-German center bilang No. 1 overall pick ng nakaraang 2017 PBA Rookie Draft.

Naging kontrobersyal ang pagpasok ng 28-anyos na si Standhardinger sa PBA matapos payagan ni PBA Commissioner Chito Narvasa ang trade sa pagitan ng Beermen at Kia Picanto.

Para makuha ang No. 1 overall pick ng Kia ay ibinigay ng San Miguel sina role players Ronald Tubid, Jay-R Reyes at Shawn McCarthy at isang future draft pick.

Ginamit ng Beermen ang naturang top pick para kunin si Standhardinger, hinugot ni head coach Chot Reyes bilang kapalit ni naturalized player Andray Blatche sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2017 FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: