PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ika-3 dikit asam ng F2 Logistics vs Cocolife

MANILA, Philippines — Target ng F2 Logistics ang ikatlong sunod na pa­nalo sa pakikipagharap sa Cocolife habang magta­tagpo naman ang Cignal HD at Iriga City ngayon sa pagpapatuloy ng 2017 Chooks To Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos City.

Inaasahan ang mainit na laban sa Cargo Movers at Cocolife Asset Ma­nagers sa alas-6 ng gabi pagkatapos ng laban ng Cignal Lady Spikers at Iriga O­ragons sa alas-4 ng hapon.

Kung manalo ang Cargo Movers, hawak ang  2-0 win-loss kartada, isang laro lamang ang mamamagitan sa kanila ng nangungunang Foton Tornadoes na ta­ngan ang 4-0 card at pumapa­ngatlo ang Petron sa 4-1 record sa standing ng event na sinusuportahan ng Cignal, Mikasa, Senoh, Mueller, Grand Sport, Rebisco, Island Rose, Cloudfone, Gold’s Gym, Gerflor, UCPB Gen at ESPN5 bilang opis­yal broadcaster.

Nakamit ng Cargo Movers ang unang panalo sa pagpapadapa sa Petron Blaze sa four sets, 25-21, 20-25, 25-23, 25-22 sa Bacolod City noong Nob­yembre 4 at sinundan ng 25-16, 25-23, 25-23 panalo sa Sta. Lucia Lady Realtors noong Martes na isang pagpapahiwatig sa kanilang seryosong asam sa pag-angkin sa titulo.

“We’re off to a good start. But we have to be careful because all teams are also preparing,” sabi ni F2 coach Ramil de Jesus.

Alam ni De Jesus na hindi madaling kalaban ang Asset Managers sa pangunguna ng mga bete­ranong sina Tina Salak, Mary Jean Balse, Joanne Bunag, Michele Gumabao, Denden Lazaro at imports Taylor Milton and Tai Manu-Olevao.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: