PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Petron, iriga reresbak

MANILA, Philippines — Makaraang makatikim ng kanilang unang talo, hangad ngayon ng Petron Blaze at Iriga City na makabalik sa porma sa magkahiwalay na laban sa pagpapatuloy ng 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Blaze Spikers ang Victoria Sports-UST sa alas-7 ng gabi matapos ang duwelo ng Iriga City at Generika-Ayala sa alas-4:15 ng hapon.

Nanatiling wala pang talo ang nagdedepensang Foton Tornadoes sa 4-0 win-loss kasunod ang F2 Logistics na may 2-0 habang ang Petron ay pumapangatlo sa 3-1 at 1-1 naman ang Oragons sa standing ng event na sinusuportahan din ng Gerflor, Gold’s Gym at ESPN5 bilang opisyal broadcaster.

Ang tanging talo pa lamang ng Blaze Spikers ay sa F2 Logistics, 21-25, 25-20, 23-25, 22-25 noong Sabado sa “Spike on Tour” sa University of St. La Salle gym sa Bacolod City.

Hindi nakayang pantayan nina Petron imports Hi­llary Hurley at Lindsay Stalzer ang ipinakitang energy ng Cargo Movers sa pangunguna nina Venezuelan Maria Jose Perez, Kennedy Bryan ng US at Kianna Dy.

“We played three straight games so I think the girls were a little tired,” ani Petron coach Shaq Delos Santos.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Inaasahan ni De Los Santos na hahataw sina Hurley at Stalzer sa tulong ng mga local stars na sina Frances Molina, Aiza Maizo-Pontillas, Mika Reyes, Remy Palma at Bernadeth Pons para masungkit ang pang-apat na panalo laban sa Golden Tigresses, na natalo naman sa Cocolife noong Martes, 19-25, 25-16, 17-25, 20-25.

Ang Iriga Oragons na natalo rin sa Foton, 10-25, 23-25, 19-25, noong Sabado dahil sa pagkawala ni Gretchel Soltones ay target ding bumawi laban sa Lifesavers.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: