^

PSN Palaro

Harden triple-double sa panalo ng Rockets

Pilipino Star Ngayon

CHARLOTTE - Kumolekta si James Harden ng triple-double mula sa kanyang tinapos na 27 points, 11 assists at 10 rebounds para akayin ang Houston Rockets sa 109-93 panalo laban sa Hornets.

Nagsalpak ang Rockets ng 22-of-57 shooting sa three-point range at nabigong mabasag ang kanilang sariling NBA regular season record na 24 3-pointers noong Disyembre.

Tumipa si Eric Gordon ng 6-of-16 clip sa 3-point line para tumapos na may 26 points  habang nagtala si Ryan Anderson ng 6-of-15 shooting at nagdagdag ng 21 markers para sa Houston.

Sa Oakland, California, kumolekta si Kevin Durant ng 31 points, 11 rebounds at 6 assists para tulungan ang Golden State Warriors na makabangon mula sa 18-point deficit at balikan ang Washington Wizards, 120-117.

Bago ang halftime ay nagkaroon ng girian sa pagitan nina Golden State forward Draymond Green at Wa­shington guard Bradley Beal na nagresulta sa kanilang pagkakatalsik sa laro.

Sa huling 19.5 segundo sa second quarter ay hina­wakan ni Beal ang jersey ni Green  habang ang kanyang kanang kamay ay nakadiin sa panga ng una.

Dahil dito ay nakipagbuhulan ng braso si Green kay Beal kasunod ang pakikihalo ng iba pang players sa gulo.

Nag-ambag naman si Stephen Curry ng 20 points at 8 assists at nagsalpak ng dalawang triples at dalawang free throws sa huling minuto ng third quarter para idikit ang Warriors sa Wizards sa 87-97 agwat papasok sa fourth period.

Kumonekta sina Klay Thompson, umiskor ng 18 markers  at Durant ng mga tres para ilapit ang Golden State sa four-point deficit.

Ang jumper ni Durant sa huling 1:20 minuto ang nagbigay sa Golden State ng five-point lead kasunod ang kanyang dalawang free throws sa huling 9.4 segundo.

Naimintis naman ni John Wall ang kanyang off-balance triple para sa huling tsansa ng Washington.

Sa Los Angeles, kumamada si DeMar DeRozan ng 17 sa kanyang 24 points sa second half para tulu­ngan ang Toronto Raptors sa 101-92 panalo laban sa Lakers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with