^

PSN Palaro

Arellano, Letran humirit ng playoffs

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
 Arellano, Letran  humirit ng playoffs

 Napilitang ipasa ni Anton Tamayo (8) ng Perpetual Help ang bola nang madepensahan ni Sean Neri (8) ng EAC NCAA Season 93 men’s basketball kahapon.
 

MANILA, Philippines — Pinasadsad ng last year’s runner-up Arellano University ang Mapua University, 81-64 para mapa­lakas ang pag-asa nito sa Final Four kahapon sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Tinapos ng Chiefs ang eliminasyon tangan ang 9-9 rekord sa likod ng impresibong laro ni Levi Dela Cruz na nakalikom ng 20 puntos, limang assists, tatlong rebounds at dalawang steals.

“He’s (Dela Cruz) our third best player. He’s a mini version of Jio Jalalon maganda ang future niya and his shot selection is still improving,” ani  Chiefs  head coach Jerry Codiñera.

Nag-ambag naman si Slam Dunk king Lervin Flores ng 14 markers at may 11 puntos si Zach Ni­chols para sa Chiefs.

Matinding depensa ang pinakawalan ng Chiefs para mapuwersa ang Cardinals na makagawa ng 18 turnovers. Mula sa naturang pagkakamali ng Mapua, humugot ang Arellano ng 20 turnover points.

Dahil sa panalo, makasisiguro ang Chiefs ng playoff para sa huling tiket sa semis.

Nauna nang nakatakda ang laro ng Arellano at Mapua noong Setyembre 12 subalit nasuspinde ito dahil sa bagyo.

Naglista si Christian Bunag ng double-double na 22 points at 16 boards para sa Cardinals na nahulog sa 3-15 baraha.

Sa unang laro, magandang tinuldukan ng Emilio Aguinaldo College ang kampanya nito matapos pasukuin ang University of Perpetual Help System Dalta, 83-81.

Bumida si Jerome Garcia na nagrehistro ng 22 puntos habang nagdagdag sina Jethro Mendoza, Sidney Onwubere at Rustan Bugarin ng pinagsama-samang 44 puntos sa panig ng Generals na may 7-11 marka sa season na ito.

Nakasiguro rin ang Colegio de San Juan de Letran ng playoff para sa huling semis slot matapos iselyo ang 66-60 panalo laban sa College of Saint Benilde.

Umangat ang Knights sa 9-9 baraha para saluhan ang Chiefs sa No. 4 spot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with