^

PSN Palaro

James, Leonard ‘di makakalaro sa season opener

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND — Dalawang NBA superstars ang inaasahang hindi makikita sa aksyon sa regular season opener ng kanilang mga koponan.

Inobserbahan ni Le­Bron James ang estado ng kanyang injured left ankle sa isang bahagi ng kanilang team practice noong Linggo, ngunit wala pang katiyakan kung maglalaro siya sa season opener ng Cavaliers.

Nagkaroon si James ng sprained left ankle injury sa ensayo ng Cleveland noong Setyembre 27.

Hindi naglaro ang three-time NBA champion sa unang tatlong exhibition games ng Cavaliers bago ginawa ang kanyang debut noong nakaraang linggo laban sa Chicago Bulls kung saan muli siyang nakaramdaman ng pananakit sa kanyang bukung-bukong nang gawin ang isang spin move.

Sisimulan ng Cavs ang regular season sa Martes laban sa dati nilang point guard na si Kyrie Irving at sa Boston Celtics.

Sa Houston, hindi pa handang maglaro si San Antonio Spurs superstar Kawhi Leonard, ayon kay coach Gregg Popovich.

Sinabi ni Popovich na kailangan pa ng All-Star forward ng sapat na panahon para mapagaling ang kanyang injured thigh muscle right.

Hindi siya mapapanood sa pagsalang ng Spurs sa kanilang regular season laban sa Minnesota Timberwolves sa Miyerkules.

‘’He’s still rehabbing and when he’s ready, he’ll be ready,’’ wika ni Popovich sa mga reporters sa Houston.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with