PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Powerlifters 2 ginto ang pakay sa ASEAN Para Games

MANILA, Philippines — Hangad ng powerlifting team ang dalawang gintong medalya kabilang na ang isa mula kay Paralympian Adeline Dumapong-Ancheta sa 9th ASEAN Para Games na magsisimula sa Linggo sa Bukit Jalil National Sports Complex sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Target ng 43-anyos na si Dumapong-Ancheta ang gintong medalya sa over-86 kilograms division habang ang ikalawang ginto ay magmumula sa 44-anyos na beteranong  si Achelle Guion sa  45-kg category.

“That’s the team’s target, to get two golds and if we’re lucky, we could get more,” sabi ni Dumapong-Ancheta na dati ng sumasali sa kumpetisyon bago pa man isinagawa ang kauna-unahang ASEAN Para Games noong 2001 sa Kuala Lumpur, Ma­laysia rin.

Ang ibang miyembro ng powerlifting team ay sina Marydol Pamatian na gusto ring malampasan ang kanyang bronze medal fi­nish noong  2015 Singapore SEA Games,  Agustin Kitan at Romeo Tayawa.

Ngunit lahat ay nakatutok kay Dumapong-Ancheta na asam ang matagumpay na kampan­ya bago siya mag­retiro pagkatapos ng 2019 Para Games sa Pilipinas.

Ang Ifugao native na si Dumapong-Ancheta ang pinaka-winningest sa Team Philippines sa kanyang apat na ginto sa biennial ASEAN Para Games at dalawang silver medals sa Asian Para Games at ang unang bronze medal ng bansa sa Paralympics Games sa Sydney, Australia noong 2000.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 Samantala, lahat ng mga sumasaling atleta ay sumalang na sa classification process.

Ang Para Games ay mayroong apat na kategorya, ang una ay ang orthopedically handicapped, visual impairment, intellectual impairment at cerebral palsy.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: