PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Water defenders amoy na ang korona

Sinapawan ni Risa Sato ng BaliPure ang paghirang kay Myla Pablo ng nagde­de­pensang Pocari Sweat bilang Most Valuable Player.

MANILA, Philippines -  Sinapawan ni Risa Sato ng BaliPure ang paghirang kay Myla Pablo ng nagde­de­pensang Pocari Sweat bilang Most Valuable Player.

Bumida si Sato para aka­yin ang Water Defen­ders sa 25-22, 25-19, 25-22 paggupo sa Lady Warriors sa Game One ng Premier Volleyball League Open Conference Finals kagabi sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Maaari nang walisin ng BaliPure ang kanilang best-of-three championship series ng Pocari sa Game Two sa Miyerkules.

“Wala na silang ibang nasa isip kundi ang manalo,” sabi ni Water Defenders’ coach Roger Gorayeb.

Iniskoran naman ng Creamline ang Philippine Air Force ng three-set win, 25-15, 25-21, 25-19, para ma­­kalapit sa pag-angkin sa bronze medal sa kanilang best-of-three duel.

Humataw si Rosemarie Vargas ng 8 attack points, 2 aces at 1 block, habang gi­nabayan ni libero Angela Nu­nag ang depensa ng Cool Smashers sa kanyang iti­nalang 14 excellent digs pa­ra talunin ang Lady Jet Spikers.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa men’s division, ki­nu­ha ng Mega Builders ang 18-25, 25-23, 26-24, 22-25, 25-13 panalo kontra sa Cig­nal TV para makapuwer­sa ng ‘sudden death’ sa ka­nilang title series.

Nagpasabog si Fauzi Is­mail ng 24 hits at nagdag­dag sina Madzlan Gampong at James Natividad ng tig-17 points.

Itinulak din ng Sta. Elena sa ‘winner-take-all’ ang ka­ni­lang serye ng Air Force pa­­ra sa third place nang ilis­ta ang 27-25, 22-25, 18-25, 25-19, 16-14 panalo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: