^

PSN Palaro

Skippers pasok sa quarters

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilunod ng Marinerong Pilipino ang AMA Online Education sa bisa ng 125- 71 desisyon para masiguro ang tiket sa quarterfi nals ng 2017 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Matapos ang maasim na 1-4 panimula, naikonekta ng Skippers ang limang sunod na panalo upang magarbong tapusin ang eliminasyon tangan ang 6-4 marka.

Pinangunahan ni Mark Isip ang matikas na atake ng Skippers nang isalpak nito ang 11 sa kanyang 15 puntos sa second quarter para dalhin ang 33-26 kalamangan sa mas magandang 64-39 bentahe sa halftime.

Humatak din ito ng tatlong rebounds at tatlong assists.

Naglista naman si Julian Sargent ng 20 markers tampok ang 10 sa ikatlong kanto, kasama pa ang pitong boards, limang assists at apat na steals para sa Skippers na nagtala pa ng 56 puntos na kalamangan, 121-65 sa third quarter.

Nagparamdam din si Donald Gumaru na may 18 points at tatlong assists samantalang nagdagdag si Rey Publico ng 13 markers at limang rebounds gayundin si Renzo Subido na bumira ng 10 points, dalawang boards at dalawang assists para sa Marinerong Pilipino.

“This is a good win for us. Magandang pabaon sa amin going to the playoffs, but I always remind the players na ibang klase ang playoffs and it’s a good thing that we have veterans who have been there before,” ani Marinerong Pilipino coach Koy Banal. Tinapos ng AMA ang kampanya nito hawak ang 1-9 kartada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with