^

PSN Palaro

Pinay spikers napasama sa magaan na grupo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas magaan ang tatahakin na daan ng wo­men’s national volleyball team upang makahirit ng tiket sa semifinals ng 2017 Southeast Asian Games volleyball competition na lalaruin mula Agosto 23 hanggang 27 sa Malaysia International Trade and Exhibition Centre sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nasa Group B ang Pilipinas kasama ang 2015 Singapore SEA Game silver medalist Vietnam at host Malaysia habang maglalaban naman sa Group A ang reigning champion Thailand, Indonesia at Myanmar.

Unang makakasagupa ng Pilipinas ang Malaysia sa Agosto 24 kasunod ang Vietnam sa Agosto 25.

Ang dalawang mangu­ngunang koponan sa bawat grupo ang siyang uusad sa crossover semifinals.

Kinakailangan lamang ng Pinay spikers na manalo sa Malaysia upang makahirit ng tiket sa semis.

Magugunitang hindi nakapasok sa medal round ang Pilipinas noong 2015 edisyon matapos puma­ngatlo lamang sa group stage tangan ang 1-2 rekord.

Natalo ang Pinay squad sa Vietnam (16-25, 21-25, 23-25) at Indonesia (22-25, 20-25, 14-25) habang nakuha nito ang nag-iisang panalo laban sa Malaysia (25-15, 25-18, 25-16).

Puspusan na ang pag­hahanda ng Pinay spi­kers para sa SEA Games at Asian Senior Women’s Championship na parehong idaraos sa Agosto.

Kasalukuyang nasa Osaka, Japan ang pambansang koponan upang sumailalim sa training camp at tuneup games kasama ang mga mahuhusay na Japanese coaches at ilang matitikas na Japanese clubs at collegiate teams.

Tumanggap ng papuri ang ilang miyembro ng koponan gaya nina 6-foot-5 Jaja Santiago at  libero Dawn Macandili na tunay na nagpasiklab sa buong panahon ng training camp.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with