^

PSN Palaro

McGregor

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Kay Conor McGregor ako kontra kay Floyd Mayweather Jr.

Manalo man o matalo.

Wala lang. Type ko lang kumampi sa underdog.

At sino ba naman sa atin ang ayaw makitang makatikim ng una niyang pagkatalo si May­weather?

Kaya kay McGregor ako pag naglaban ang dalawa sa Aug. 26 sa Las Vegas.

Natapos na ang press tour ng UFC superstar at boxing legend sa Los A­ngeles, Toronto, New York at London.

Natural, binili ng tao ang exciting na press tour.

Dinumog sila ng fans.

Matinding trash taking ang naganap sa pagitan ng dalawang superstars.

Pero mas bumilib ako kay McGregor.

Harap-harapan niyang inokray si Mayweather. Hinimok pa niya ang fans na murahin si Mayweather.

Ngumiti lang si Mayweather kahit na alam mong sa loob niya  ay gusto niyang sakalin at patayin si McGregor.

Kung anu-anong alaska ang inabot ni Mayweather.

Hindi raw ito marunong bumasa at sabi pa ni McGregor ay kung manamit akala mo ay break-dancer.

Todo porma si McGre­gor sa press tour at naka-Amerikana pa.

Kung mahina-hina ang isa sa kanila ay tiyak na nagkagulo na sa press tour.

Nangako naman si Mayweather na hindi niya pagbubuhatan ng kamay si McGregor hanggang wala pang opening bell sa Aug. 26.

Paniwala ng mga experts na walang chance si McGregor.

Ah basta, McGregor ako.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with