Alas hinirang na PBA Player of the Week
MANILA, Philippines - Dahil sa kanyang pagbibida ay hinirang si NLEX point guard Kevin Alas bilang unang PBA Press Corps Player of the Week awardee ng 2017 PBA Governor's Cup.
Tinalo ni Alas para sa nasabing weekly citation sina Phoenix guard RJ Jazul, 2016 PBA Rookie of the Year Chris Newsome ng Meralco, Maverick Ahanmisi ng Rain or Shine at Star veteran PJ Simon.
Malaki ang naging kontribusyon ni Alas sa pagpoposte ng Road Warriors ng 2-0 record kasosyo sa liderato ang Meralco Bolts at Phoenix Fuel Masters.
Sa 112-104 panalo ng NLEX kontra sa Alaska noong nakaraang Miyerkules ay nagsumite si Alas ng 20 points, 8 rebounds at 4 assists.
Matapos ito ay naglista ang dating Letran Knights star playmaker ng 13 markers, 5 boards, 1 assist at 1 shot block sa 100-93 paggupo ng Road Warriors sa Kia Picanto.
- Latest