Westbrook hinirang na NBA MVP
NEW YORK -- Hinirang si Oklahoma City Thunder star guard Russell Westbrook, ang ikalawang player sa NBA history na nagtala ng average na triple double sa isang season, bilang 2016-17 NBA Most Valuable Player sa inaugural NBA Awards show noong Lunes.
Tinalo ni Westbrook sina finalists James Harden ng Houston Rockets at Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs para angkinin ang kanyang unang season MVP award.
Naglista ang 28-anyos na guard, tinulungan ang Americans na angkinin ang 2012 London Olympic gold medal, ng mga averages na league-high 31.6 points, 10.7 rebounds at 10.4 assists a game, para duplikahan ang ginawa ni Oscar Robertson noong 1962.
“To everybody in Oklahoma City who helped me go out every night and compete at a high level, I thank you for that,” sabi ni Westbrook, tinawag ang kanyang mga teammates para makasama siya sa stage.
Nakamit din ni Westbrook ang awards para sa Best Style at para sa pinakamaraming game winner of the year.
Samantala, ibinigay kay Greek star Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks ang Most Improved Player award matapos ungusan sina Rudy Gobert ng Utah Jazz at Serbian forward Nikola Jokic ng Denver Nuggets.
Ang isa pang Bucks standout na si guard Malcolm Brogdon ay kinilalang Rookie of the Year.
Dinaig ni Brogdon sina Cameroon center Joel Embiid at Croatian Dario Saric ng Philadelphia 76ers para sa top newcomer award.
Naiboto naman si Golden State forward Draymond Green bilang Defensive Player of the Year laban kina Leonard at Gobert.
- Latest