^

PSN Palaro

Abangan

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Pinatumba ni Manny Pacquiao ang kanyang sparring partner sa General Santos City nung Sabado.

Uppercut daw ang tumama. Tumba si Adrian Young ng Mexico.

Agad naman itong kinatuwa ni coach Freddie Roach dahil matagal na raw siyang hindi nakakakita ng knockdown sa sparring session ni Pacman.

Ibig sabihin, ayon kay coach ay may knockout power pa ang mga suntok ni Pacquiao.

Kaya pang magpatumba.

Inaasahan tuloy ni coach na sa July 2 sa Brisbane ay patutumbahin ni Pacquiao ang challenger na si Jeff Horn ng Australia.

Undefeated ang kalaban, mas bata at mas ma­tangkad.

 Mapatumba kaya ni Pacquiao?

 Sana.

 Dahil kung hindi, sa tingin ko ay patuloy pang bababa ang market value ni Pacquiao, na dating No. 1 boxer sa buong mundo.

First time mula nung 2005 na hindi mapapanood ang laban ni Pacquiao sa pay-per-view. Ibig sabihin, hindi na ito sinubukang ibenta ng HBO dahil baka hindi kumita.

Kaya ESPN ang sumalo ng coverage ng laban para sa mga manonood sa America.

Libre ang panonood sa TV. Hindi kagaya ng pay-per-view na may bayad.

Kaya dinaan nila Bob Arum sa dami ng live audience para kumita sila. Sa Suncorp Stadium, inaasahan nilang mahigit 50,000 ang manonood.

Sabi ni Uncle Bob, kaya nilang kumita ng $12 million sa tickets.

 Maraming manonood.

Gustong makakita ng knockout.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with