^

PSN Palaro

4 teams unahang maka-buwenamano

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na koponan pa ang magtatangkang makahirit ng pambuenamanong panalo sa pagpapatuloy ngayong hapon ng 2017 Philippine Basketball Association (PBA) D-League Foundation Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Maghaharap sa unang laro sa alas-3 ang Centro Escolar University (CEU) at Wangs Basketball kasunod ang duwelo ng Batangas at Marinerong Pilipino sa alas-5.

Magbabalik liga si coach Koy Banal na siyang hahawak sa Marinerong Pilipino kasama ang kanyang kapatid na si Joel Banal bilang cosultant.

“There’s a bit of rust, but it should not be an excuse,” wika ni Banal na nagnanais dalhin ang Marinerong Pilipino sa semis sa kanilang unang pagsalang sa liga.

Ngunit agad na mapapalaban si Banal kontra kay Batangas coach Eric Gonzales na dati na nitong nakasama sa coaching staff.

“Coach Eric is a champion coach and more or less, he knows my style. He’s been my assistant for a long time in Arellano and we go way, way back. That’s one thing where my anxiety also roots from and he knows how to lead his team and motivate his players,” wika ni Banal.

Sasandalan ni Banal sina Achie Iñigo, Julian Sargent at veteran Mark Isip na siyang inaasahang gagawa ng husto para sa Seafarers.

Sa kabilang banda, nais ni Gonzales na gamitin ang mga natutunan nito sa kampo ni Banal partikular na ang tamang preparas­yon ng kanyang bataan bago sumabak sa laban.

“He always told us that the will to win is important but the will to prepare is vital. We’re still a rookie team and coach Koy’s team is built on veterans so we’re just hoping for the best,” ani Gonzales.

Magsisilbing puwersa ng Batangas sina Joseph Sedurifa at CJ Isit na bete­rano na ng bakbakan.

Gagabayan naman ang Centro Escolar University ni coach Yong Garcia laban sa mapanganib na Wangs Basketball na nagha­ha­ngad na magkaroon ng magandang panimula ang kanilang kampanya sa kumperensiyang ito.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with