LeBron ‘di natatakot sa Warriors
INDEPENDENCE, Ohio--Sa kabila ng pagturing sa kanila bilang ‘underdog’ sa NBA Finals ay kumpiyansa si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers na tatalunin nila ang Golden State Warriors.
Ibabandera ng Warriors sina two-time reigning league MVP Stephen Curry, four-times scoring champion Kevin Durant, defensive specialist Draymond Green at sweet-shooting Klay Thompson.
Ngunit ayon kay James, may mga nakaharap at tinalo na siyang mga mabibigat na koponang may mahuhusay na players.
“Obviously, I mean, I’ve played against four Hall of Famers as well too with Manu (Ginobili), Kawhi (Leonard), Tony (Parker) and Timmy D (Tim Duncan) on the same team. And if you add Pop (Gregg Popovich) in there, that’s five Hall of Famers,” wika ni James.
Tinukoy din ni James ang Boston Celtics teams na binigo niya sa playoffs bilang player ng Cleveland at Miami.
Ang Celtics ay tinampukan nina Ray Allen, Kevin Garnett, Paul Pierce, Rajon Rondo at head coach Doc Rivers.
Ang Cleveland ang reigning champions matapos balikan ang Golden State sa nakaraang NBA Finals at may 12-1 record sa postseason ngunit itinuturing silang underdog laban sa top-seeded Warriors team na may malinis na 13-0 playoff record.
Sinabi ni James na nakahanda siya sa hamon na ibibigay ng Warriors na niresbakan ng Cavs mula sa 1-3 pagkakabaon sa nakaraang best-of-seven NBA Finals para agawin ang korona.
Nang madiskaril ang Golden State na makamit ang kanilang back-to-back championship sa nakaraang season kung saan sila naglista ng record 73 wins sa 82-game regular season ay kanilang kinuha si Durant, ang biggest prize ng free agent market.
Aminado si James na mahihirapan siya sa Warriors sa pagsisimula ng serye sa Huwebes sa Oakland.
“Those guys are going to challenge me, they are going to challenge our ballclub,” sabi ni James, noong nakaraang linggo ay inungusan si Michael Jordan bilang all-time playoff leading scorer.
- Latest