^

PSN Palaro

Pocari rumesbak sa Phl Air Force

Pilipino Star Ngayon
 Pocari rumesbak sa Phl Air Force

Hinatawan ni Myla Pablo ng Pocari sina Jocemer Ta­pic at La­ri Yong­co ng Phl Air Force sa PVF Reinforced Conference. (Joey ­Mendoza)
 

MANILA, Philippines -  Naitarak ng nagdedepensang Pocari Sweat ang matamis na come-from-behind 21-25, 25-23, 19-25, 25-14, 15-10 victory laban sa Philippine Air Force upang magarbong simulan ang kanilang kampanya sa quarterfinal round ng Premier Volleyball League Reinforced Conference kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Nasandalan ng Lady Warriors si American import Michelle Strizak sa huling sandali ng laro para makalikom ng 24 hits habang maganda ang pagbabalik-aksiyon ni open hitter Myla Pablo na galing sa back injury nang umariba ito ng 28 puntos.

Umangat ang Pocari Sweat sa 1-0 rekord para bahagyang makalapit sa inaasam na tiket sa semifinals habang nahulog ang Air Force sa 0-1 marka.

Nakakuha rin ang Lady Warriors ng krusyal na puntos mula kay middle blocker Jeanette Panaga sa fifth set para dalhin ang kanilang tropa sa 7-3 kalamangan.

Isa pang drop shot ang pinakawalan ni Panaga para hatakin ang Lady Warriors sa 11-7 bentahe laban sa Lady Jet Spikers.

Sinubukang makalapit ng Air Force sa 9-12 su­balit agad itong napigilan ni Strizak na pumalo ng back-to-back hits kasama ang isang solid attack mula kay Maricar Nepomuceno para makuha ang panalo.

“I was a little bit wary at the start but my team needed me so I just gave it my best,” wika ni Pablo na may 25 kills kalakip ang tatlong blocks sa panalo ng Lady Warriors.

Nakabawi ang Lady Warriors s1qa kanilang tinamong 25-19, 24-26, 25-27, 25-21, 15-6 kabiguan sa kamay ng Lady Jet Spikers sa huling araw ng eliminasyon.

Sa men’s division, ini­lampaso ng Sta. Lucia ang Philippine Army, 25-17, 25-19, 25-21 para saluhan ang Cignal HD at Air Force sa semifinal round.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with