PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

San Miguel nilasing ang NLEX

MANILA, Philippines -  Pinayuko ng San Miguel Beer ang NLEX sa 114-108 desisyon upang masungkit ang kanilang ikaanim na panalo kahapon sa 2017 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Bumira si import Charles Rhodes ng double-double na 37 puntos, 19 rebounds at dalawang assists habang nagrehistro si Chris Ross ng sariling double-double na 15 puntos, 11 assists at pitong boards para bitbitin ang Beermen sa 6-1 rekord.

Balanse ang inilabas na puwersa ng Beermen matapos makakuha ng 13 puntos mula kay Arwind Santos at tig-12 puntos buhat naman kina reigning MVP June Mar Fajardo, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter.

Wala pa ring panalo ang Road Warriors sa siyam na laro para malugmok sa ilalim ng standings.

Kumana si Wayne Chism ng 22 puntos, apat na rebounds at tatlong assists samantalang may 18 puntos naman si Rabeh Al-Hussaini.

Naglista rin sina Carlo Lastimosa at JR Quiñahan ng tig-12 puntos, 11 naman galing kay Alex Mallari at 10 buhat kay Juami Tiongson para sa Road Warriors.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Subalit hindi pa rin ito sapat para hatakin ang NLEX sa kanilang unang panalo.

Lamang na lamang ang Beermen sa rebounds tangan ang 57 boards laban sa 47 ng Road Warriors.

Nakagawa ng 19 turnovers ang Beermen ngunit bigo ang Road Warriors na samantalahin ito matapos makapag-convert lamang ng 13 puntos.

Samantala, magpapang-abot naman ang Talk ’N Text at Alaska sa alas-5 ngayong hapon sa Legazpi City.

Posibleng iparada ng Katropa ang bagong import na si Joshua Smith na napaulat na siyang hahalili kay Donte Greene.

Puntirya ng TNT na ma­kuha ang ikapitong panalo habang nagnanais naman ang Alaska na mapaganda ang kanilang 4-3 baraha.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: