^

PSN Showbiz

Kaya laging purdoy, Gay comedian minana pati ang pagbibisyo ng ginagayang female personality!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matagal na palang hindi nadadalaw ng isang pamosong gay personality ang kanyang pamilya. Gustung-gusto niyang umuwi sa kanilang bahay, pero may pumipigil sa kanya, palagi siyang kapos sa pananalapi.

Malaki naman ang kanyang kinikita dahil marami siyang raket, hindi siya nawawalan ng trabaho, kaya nga lang ay nauubos ang kanyang kinikita sa isang bisyong hindi niya makayang talikuran.

Ubos kung ubos ang gay personality sa bisyo niya, dumarating siya sa isang lugar na mausok at maingay na marami siyang pera, pero pagkatapos lang nang ilang oras ay nganga na ang gay personality.

“Wala siyang disiplina, matagal na siyang pinahihirapan ng bisyo niyang ‘yun, pero wala pa rin siyang kadala-dala. Grabe siyang magsugal, akala mo wala nang bukas, talagang inuubos niya ang sayang na sayang na pinaghihirapan niyang datung!” intro ng aming source.

Dumating na siya sa puntong naputulan ng ilaw at tubig, pinaaalis na rin siya ng kasera niya dahil hindi siya nakababayad ng renta, pero sige pa rin nang sige ang gay personality sa kabibisyo.

“Paano siya makakauwi sa kanila, e, nauubos lang sa kasusugal niya ang dapat, e, maiaabot niya sa pamilya niya? Kikita siya ngayon, marami siyang pera, pero after a few hours lang, purdoy na naman siya?

“Ubos na naman ang datung niya, nakakapangutang pa siya sa mga kaibigan niyang pindot din nang pindot sa makina, nakakapanghinayang ang kinikita ng baklang ‘yun!

“Namamaos na siya sa kakakanta, nangangawit na ang mga panga niya sa pagpapatawa, tapos, nauuwi lang sa wala ang pinaghihirapan niya. Tantanan na kasi niya ang pagbibisyo para makauwi na siya!

“At nakakatawa ang gay personality na ‘yun, ha? Ang dami-dami niya namang puwedeng gayahin sa female personality na pinaplakado niya ang boses, pero kung bakit ang pagbibisyo pa ang minana niya? Wala na bang iba?” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Marunong gumawa ng pera Sharon mas makapal daw ang bulsa kesa kay Kris

Pakapalan ng bulsa ng mga artista ang natutukan isang gabi ng mga taga-showbiz. Pinagkukumpara ng magkakaumpukan kung sino kina Sharon Cuneta at Kris Aquino ang may mas maraming pera.

Naungkat ‘yun dahil sa pagbebenta na ni Sharon ng kanyang bahay sa Amerika, kung 3.5M dollars nga naman ang halaga ng bahay ay magkano ‘yun sa ating pera, napakalaking halaga.

Parehong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig ang dalawang personalidad, pareho ring malalaki ang talent fee nila sa pag-aartista, pero sino nga kaya sa dalawa ang mas may malaking naiipon ngayon?

Sabi ng isang miron, kung hindi raw isasali sa laban ang mga minana ni Kris sa kanyang pamilya ay kabog ito ni Sharon, bukod sa milyun-milyong naiipon ng Megastar ay napakarami pa iyang naipundar na properties.

“Puro building at lote ang mga naipundar ni Sharon, hindi na maghihirap ang mga anak niya kahit hindi siya magtrabaho, nahawakan niya nang maayos ang pinaghirapan niya,” sabi nito.

Bukod pala sa bahay na kabebenta lang ng actress-singer dahil hindi niya naman ‘yun pinakikinabangan ay meron pa siyang ibang propyedad sa Amerika.

Kuwento naman ng isa pang source sa grupong magkakaumpukan, “Nabili niyang lahat ‘yun nu’ng nagkaroon ng recession sa Amerika, mga Pinoy rin ang nagbenta sa kanya ng mga properties, bagsak na bagsak kasi sila nu’n. Sa totoo lang, hindi lang naman kasi basta artista at singer si Sharon, negosyante rin siya.

“May mga buildings siya ngayon na malaki ang kinikita buwan-buwan, du’n pa lang, e, buhay na buhay na siya, ‘yun ang namana ni Shawie sa daddy niya.

“Marunong mag-business si Sharon, alam niya kung saan ilalagay ang pera niya, she can afford na nga to stop working, talagang hindi lang niya matalikuran ang showbiz,” paglilinaw pa ng impormante.

Ang konklusyon, mas makapal ang bulsa ni Sharon Cuneta kesa kay Kris Aquino, lalo na kung hindi isasali sa bilangan ang mga minana ng aktres-TV host sa kanyang pamilya.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with