^

Pang Movies

Bliss tuloy na sa mga sinehan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Happy na si Iza Calzado at ang direktor na si Jerrold Tarog dahil matutuloy na ang showing sa mga sinehan sa May 10 ng Bliss, ang horror movie na unang binigyan ng  X classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa mga maseselan na eksena.

Muling ni-review kahapon ng MTRCB ang Bliss at binago nila ang classification. Mula sa X, binigyan ng R-16 without cuts ang controversial movie ni Iza.

Nakatulong ang mga apela sa MTRCB na i-reconsider ang kanilang desisyon dahil  mapapanood na ng madlang-bayan ang Bliss.

Jaclyn may karapatan sa D’ Originals

Obvious na si Jaclyn Jose ang bida sa D’ Originals, ang afternoon teleserye ng GMA-7 na magsisimula sa April 17 at mapapanood bago ang Wowowin, ang game show ni Willie Revillame.

Bidang-bida si Jaclyn sa trailer ng D’ Originals at may karapatan siya dahil multi-awarded actress siya. Si Jaclyn lang naman ang first Pinay actress na nanalo ng best actress trophy sa Cannes Film Festival noong nakaraang taon.

Co-stars ni Jaclyn sa D’ Originals sina LJ Reyes, Katrina Halili, Kim Domingo at Meg Imperial na marami pang kakainin na bigas bago pa nila maabot ang achievements ng madir ni Andi Eigenmann. Ang tanong, maaabot ba?

Leading men sa D’Originals sina Jestoni Alarcon, Archie Alemania, at Mark Herras.

Guwapong-guwapo si Mark sa mga eksena niya sa D’ Originals pero may reaksyon ang fans, nakaka-distract daw ang mga tattoo niya sa katawan. Wala nang magagawa sa mga tattoo ni Mark dahil hindi na ito puwedeng burahin.

Saka may kahulugan ang lahat ng mga tattoo ni Mark, hindi niya lang basta ipinalagay dahil nakikiuso siya.

Anyway, sinabi ni Mark sa presscon ng D’ Originals na wala pa sa plano niya na magpakasal sa 2017. Mag-iipon muna raw siya ng datung pero tiniyak niya na si Winwyn Marquez ang girl na pakakasalan niya, hopefully, two years from now.

Kabit ang role ni Lovely Abella sa D’ Ori­ginals at excited siya sa bagong show niya sa GMA-7. The who si Lovely? Ex-dancer si Lovely na dating napapanood sa game show ni Willie Revillame sa TV5.

Nag-goodbye na si Lovely bilang dancer dahil mas type niya na umarte sa harap ng mga TV camera.

Hindi mapakali si Lovely sa media lunch kahapon ng D’Originals dahil first time raw niya  na dumalo sa isang presscon. Sa sobrang excitement ni Lovely, nag-pralala ito na tatagal ng 20 years ang show nila. Si Lovely lang ang natawa sa joke niya dahil dedma ang mga reporter.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with