^

PSN Palaro

Back-2-back sa Foton: Reyna ng PSL Grand Prix

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling sinagasaan ng Foton ang Petron sa bisa ng 25-20, 25-20, 22-25, 25-17 desisyon sa Game 2 upang matamis na angkinin ang back-to-back titles  kagabi sa 2016 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball sa Philsports Arena sa Pasig City.

Winalis ng Tornadoes ang best-of-three cham­pionship series tangan ang 2-0 rekord.

Nanaig din ang Foton sa Game 1 noong Huwebes sa pamamagitan ng makapigil-hiningang 20-25, 21-25, 25-22, 25-17, 15-9  panalo.

Itinanghal na Most Valua­ble Player si Jaja Santiago ng Foton habang nakuha ng katropa nitong sina Ariel Usher ang Second Best Outside Spiker at Maika Ortiz ang Second Middle Blocker.

“Masaya na akong nag-champion ulit kami. Yung MVP award bonus na lang yun. Hindi ko ini-expect na makukuha ko yun. Nakuha namin itong title dahil sa pagtutulung-tulong namin. Nandun yung team work namin,” wika ng 6-foot-5 na si Santiago.

Ang iba pang awardees ay sina Stephanie Niemer ng Petron (First Best Outside Spiker), Aby Maraño ng F2 Logistics (First Middle Blocker), Jovelyn Gonzaga ng RC Cola-Army (First Best Opposite Hitter), Aiza Maizo-Pontillas ng Petron (Second Best Opposite Hitter), Kim Fajardo ng F2 Logistics (Best Setter) at Dawn Macandili ng F2 Logistics (Best Libero).

Hawak ng Tornadoes ang 2-0 kalamangan matapos makuha ang unang dalawang sets. Nagtala pa ito ng 20-18 bentahe sa third set subalit unti-unting humabol ang Tri-Activ Spikers sa likod ng impresibong laro ni super import Stephanie Niemer para mapalawig ng Petron ang laban sa fourth set.

Ito ang nagsilbing panggising sa Tornadoes sa ikaapat na kanto kung saan nagpakawala ng mala­lakas na atake sina Usher, Santiago at Lindsay Stalzer habang matatalim na aces naman ang ibinigay ni Dindin Manabat sa service area upang tuluyang makuha ang panalo.

Dahil sa panalo, ang Tornadoes ang muling kakatawan sa Pilipinas Asian Volleyball Confederation (AVC) Asian Women’s Club Championship na gaganapin sa susunod na taon sa Kazakhstan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with