^

PSN Palaro

Foton, Petron ikakasa ang finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ibalong Centrum

 for Recreation)

10 am  Foton

vs RC Cola-Army

3 pm  Cignal vs Generika

5 pm  Petron

vs F2 Logistics

 

MANILA, Philippines - Pakay ng nagdedepensang Foton at second seed Petron na maiselyo ang kanilang paghaharap sa finals sa pakikipagtipan sa magkaibang karibal nga­yong araw sa 2016 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament semifinals sa Ibalong Centrum for Recreation sa Legazpi City.

Sasalang ang Tornadoes laban sa RC Cola-Army sa alas-10 ng umaga samantalang aariba ang Tri-Activ Spikers kontra sa F2 Logistics sa alas-5 ng hapon. Magsisilbing pampalabok ang classification match ng Cignal at Generika sa alas-3.

Pinapaborang manalo ang Tornadoes laban sa Lady Troopers matapos kunin ang No. 1 seed sa pagtatapos ng eliminasyon tangan ang 9-1 baraha na siyang nagdala sa kanila sa awtomatikong silya sa semis.

Naniniwala si Serbian coach Moro Branislav na malaking tulong ang karanasang kanilang nakuha sa AVC Asian Women’s Club Championship na siyang magiging armas nito sa pakikipagtipan sa beteranong tropa ng RC Cola-Army.

“We know RC Cola-Army is such a strong team with a lot of experience. We have to be at our best. This is the real battle and we can’t afford to lose this one. This is a game where we have to show our championship form,” ani Branislav.

Parehong lineup ang ipaparada ng Tornadoes sa pangunguna nina imports Ariel Usher at Lindsay Stalzer habang mananatili sina Maika Ortiz at Dindin Manabat sa middle, opposite hitter si Jaja Santiago at setter si Rhea Dimaculangan.

Hindi naman basta-basta susuko ang Lady Troopers na sanay nang umatake sa giyera.

Magugunitang ang RC Cola-Army ang isa sa nagpahirap sa Foton sa eliminasyon kung saan umabot sa limang sets ang laro na napagwagian ng Tornadoes.

Umiskor si Kierra Holst ng 24 puntos sa natu­rang laro.

Aabangan din ang pukpukan ng Petron at F2 Logistics.

Lalarga para sa Petron sina American import Stephanie Niemer kasama sina Serena Warner, Aiza Maizo-Pontillas, Frances Molina, CJ Rosario at Jen Reyes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with