^

PSN Palaro

Happy Ending

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Abot tenga ang ngiti ng mga Ginebra fans nung Biyernes ng gabi.

Siguradong nag-celebrate sila pag uwi.

Nalusutan ng Gin Kings ang Alaska Aces sa kanilang quarterfinals matchup sa PBA Go­ver­nors’ Cup. Sunod na kalaban ang San Miguel Beer sa semis. Best of Five.

First time umabot sa semis ang Ginebra sa walong conference. Kaya naman happy ang mga Gin Kings at ang kanilang mga fans.

Ang tanong ngayon ay kung malusutan nila ang San Miguel Beer. Sayang lang at sister team pa ang nakaharap nila sa semis.

Kung sakaling manalo sa semis ay finals ang diretso ng Gin Kings.

Siguradong happy din ang PBA sa takilya.

Nasilip ko ang laro nung Biyernes sa TV at nang makita ko ang kalamangan ng Ginebra sa 26 puntos sa third quarter, nilipat ko na ang channel.

 Nanood na lang ako ng pelikula ni Bradd Pitt sa HBO.

Kaya naman laking gulat ko nang silipin ko ulit ang PBA game para sa

finals score. Isa na lang ang lamang ng Ginebra at may 31 seconds pa.

Anyare?

Humataw pala ang Alaska sa pangunguna ni Calvin Abueva at ang import na si LaDontae Henton.

Sinalba ni Justin Brownlee ang Gin Kings sa pamamagitan ng isang three-point shot. Akala mo nga ay tsamba pa dahil pabanda ang shoot.

Humirit pa ang Alaska nang ma-foul si Abueva sa three-point line. Kaya nga lang, sablay ang tatlong free throws niya at nakatakas ang Gin Kings.

Dun lang ulit nakahinga ang Ginebra fans.

Happy ending.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with