^

PSN Palaro

Saints, Fatima matatag sa liderato

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naiselyo ng  St. Clare­ College-Caloocan ang ikatlong sunod na panalo matapos bombahin ang City University of Pasay,  88-65, kahapon sa 16th NAASCU men’s basketball tournament sa RTU gym sa Mandaluyong City. 

Desidido ang Saints na mabawi ang koronang kanilang napanalunan noong 2012 nang ilatag nito ang agresibong laro sa pangunguna nina Rafael Rebugio at Aristotle Dionisio upang manatili sa tuktok ng standings bitbit ang imakuladang 3-0 rekord.

Kumana si Rebugio ng 19 puntos habang umariba si Dionisio ng 12 puntos para sa  Caloocan City-based Saints.

Nauna nang nagwagi ang Saints sa AMA University, 82-67 at Philippine Merchant Marine School,  85-62.

Nagdagdag si Michael De Leon ng 10 para sa St. Clare.

Sa iba pang resulta, ginulantang ng Our Lady of Fatima University ang Phi­lippine Christian University, 81-69, upang makisosyo sa liderato hawak ang 3-0 marka.

Wagi rin ang Manuel Luis Quezon University laban sa EARIST, 103-78, gayundin ang AMA University kontra New Era University, 84-79.

Nagtala ng pinagsamang 34 puntos sina Martin Gozum at Jess Pedrosa para sa Phoenix.

Gumawa ang 6-foot-2 trasferee mula Jose Rizal University na si Gozum ng 22 puntos para sa Fatima na hawak ni coach Ralph Emerson Rivera.

Nasayang ang 29 puntos ni Michael Ayonayon para sa Dolphins na nahulog sa 1-1 baraha.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with