^

PSN Palaro

Chiefs makikisalo sa itaas; Altas ‘di bibitaw sa No. 2

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Puntirya ng Arellano University na makisalo sa liderato sa pakikipagtipan nito sa Emilio Aguinaldo College sa pagpapatuloy ng  NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang engkuwentro ng Chiefs at Ge­nerals sa alas-4 ng hapon habang patatatagin ng University of Perpetual Help System Dalta ang kapit sa ikalawang puwesto sa pagharap laban sa College of St. Benilde sa alas-2.

Solo pa rin ng San Beda College ang liderato bitbit ang 10-2 marka subalit nakadikit sa ikalawa ang Arellano na may 9-2 baraha.

Inilampaso ng Chiefs ang Blazers, 78-69, noong Biyernes para mahablot ang kanilang ikaanim na sunod na panalo.

“This is an opportunity for us to get to the top and we’ll try to cash in on it,” pahayag ni Arellano head coach Jerry Codiñera.

Ang Generals naman ay nasa ibabang bahagi ng standings kaya’t naghahabol din itong makalikom ng sunud-sunod na panalo upang mapalakas ang tsansa sa Final Four.

Pinapaboran namang manalo ang Altas kontra sa Blazers na nakalugmok sa 0-11 baraha.

Wala nang hangad pa ang Benilde kundi ang magkaroon ng magandang pagtatapos ang kanilang kampanya sa taong ito.

Umaasa naman ang Perpetual Help na makabangon mula sa masamang 55-71 kabiguan sa kamay ng San Sebastian College noong Biyernes.

“We had a defensive breakdown in that game, we have to go back to the basics and play defense,” ani Perpetual Help mentor Jimwell Gican.

Nakakahugot ng lakas ang Altas mula kay Nigerian Bright Akhuetie na nagpasabog ng 21 puntos sa kanilang huling laro.

Ngunit binigyang-diin ni Gican na kailangan nito ng sapat na suporta mula sa mga katropa upang mas maging solido ang kanilang galaw sa laro.

“Hindi pwedeng mag-rely lang kami sa isa or dalawang players. Kaila­ngan lahat magtrabaho para makuha ang panalo,” ani Gican.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with