^

PSN Palaro

Beermen alanganin kay Reid vs Aces

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maglaro man o hindi si import Arizona Reid ay pipilitin ng nagdedepensang San Miguel na makaba­ngon mula sa isang kabiguan para mapalakas ang tsansa sa eight-team quarterfinals cast.

Lalabanan ng Beermen ang Alaska Aces ngayong alas-7 ng gabi matapos ang laro ng Meralco Bolts at NLEX Road Warriors sa alas-4:15 ng hapon 2016 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Pinangangambahang hindi maglalaro si Reid bunga ng kanyang sumasakit na Achilles’ tendon sa kanang paa.

“I’m not going to play if I continue to play like this,” wika ni Reid matapos ang 92-98 pagkatalo ng Beermen sa Globalport  Batang Pier noong Biyernes sa Ynares Center sa Antipolo City. “It happens. Injuries are part of the sport.”

Sa nasabing pagyukod ng San Miguel ay humakot si Reid ng 41 points at 15 rebounds.

“Doctor has advised him to rest,” wika naman ng kanyang agent na si Sheryl Reyes sa Twitter account nito.

Ayon kay Reid, una niyang naramdaman ang pananakit ng kanyang kanang paa matapos ang panalo ng Beermen laban sa Ginebra Gin Kings noong Agosto 14.

Puntirya naman ng Alaska ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa San Miguel matapos talunin ang Star, 85-69, noong Sabado sa Panabo City, Davao del Norte.

Samantala, tatargetin naman ng NLEX ang kanilang pangatlong sunod na pananalasa sa pagharap sa Meralco, hangad ang ikalawang dikit na panalo.

Nanggaling ang Road Warriors sa dramatikong 82-81 paglusot laban sa Mahindra Enforcers noong Agosto 17, samantalang umiskor ang Bolts ng 105-90 tagumpay kontra sa Blackwater Elite.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with