^

PSN Palaro

Bagitong tankers pukpukan sa 99th PSL National Series

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aarangkada ngayong araw ang ika-99 edisyon ng Philippine Swimming League (PSL) National Series tampok ang mga bagitong tankers na magpapasiklaban sa Novice and Motivational sa Diliman Preparatory School swimming pool sa Quezon City.

Layunin ng torneong makatuklas ng mahuhusay na swimmers na bibigyan ng pagkakataong katawanin ang bansa sa mga international tournaments na lalahukan ng PSL kabilang na ang SSC Midget Meet sa Singapore, Tokyo Invitational Swimming Championship sa Japan at Royal Bangkok Swimming Championship sa Thailand.

Paglalabanan ang gintong medalya sa 25m butterfly, 25m backstroke, 25m breaststroke at 25m freestyle sa Novice Division habang nakataya ang ginto sa 100m Individual Medley, 50m butterfly, 50m backstroke, 50m breaststroke at 50m freestyle sa Motivational Category.

Gagawaran ng medalya ang tatlong mangungunang swimmers sa bawat age band habang bibigyan naman ng tropeo ang tatanghaling Most Outstanding Swimmers sa kani-kanilang kategorya.

“Importante ang Novice at Motivational division sa programa ng PSL dahil dito nagsisimula ang mga bata na matuto. Dito namin kinukuha ang mga swimmers na may potensiyal na tinututukan namin para sa mga future international competitions,” ani PSL President Susan Papa.

Sa katunayan, sa Novice at Motivational nadiskubre sina Kyla Soguilon, Micaela Jasmine Mojdeh at Marc Bryan Dula na tinutukan ng husto ng PSL upang mas mapataas ang lebel ng paglangoy ng mga ito.

Hindi naman nabigo ang PSL dahil humahakot ng ginto ang tatlo sa mga international at local competitions.

Si Soguilon, na dalawang beses ginawaran bilang Philippine Junior Athlete of the Year, ang itinanghal na Female Most Outstanding Swimmer sa 2016 Palarong Pambansa sa Bicol habang umani rin ito ng gintong medalya sa Australia, Japan, Singapore, Hong Kong, South Korea at Thailand sa mga nakalipas na torneo.

Pareho namang nasungkit nina Dula at Mojdeh ang MOS award sa Indian Ocean All-Star Challenge sa Perth at sa Tokyo Winter Swimming Championship sa Japan dahilan upang tanghalin itong Most Promising Swimmers sa nakalipas na PSL awards night.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with