^

PSN Palaro

Sportswriters team bumandera

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumayod ng magkasunod na panalo ang Sportswriters at Bangko Sentral ng Pilipinas sa 2016 Friendship Cup-Para Kay Mike Basketball for a Cause Tour­nament sa Rizal Me­mo­rial Coliseum.

Unang binigo ng mga Sportswriters ang Poker King Club, 88-79, bago na­ilusot ang 88-80 panalo sa PAGCOR para sa 3-1 pa­nalo-talong karta para so­long hawakan ang lidera­to ng torneo na hangad ma­kapagkalap ng pondo pa­­ra sa manunulat na si Mike Lee.

Binigo naman ng Bangko Sentral ang Philippine Sports Commission, 94-52, at pinigilan ang Full Blast Di­gicomms, 93-89, para sa kanilang 2-2 baraha na nagpasikip sa labanan para sa Final Four.

Nahulog ang Poker King Club at Full Blast Digicomms sa 3-2 karta kasunod ang Bangko Sentral at PAGCOR na kapwa may 2-2 karta.

Ikaanim ang PSC na may 2-3 karta kasunod ang Sports TV5 na may 1-2 rekord at ang Sports Pho­togs (0-1).

Ang torneo ay idinada­os para makatulong kay Lee na nagkaroon ng stroke ha­bang nasa coverage ng isang multi-sports event sa Antique noong Nobyembre 10 at patuloy na nanganga­ilangan ng panggastos para sa kanyang CT scan at me­dical test para sa kanyang re­habilitasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with