^

PSN Palaro

Stravinsky itinakbo ang panalo sa PCSO Special Maiden Race

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inungusan ng third favorite na Stravinsky ang apat pang 2-year-old juveniles para pagharian ang PCSO Special Maiden race kamakailan sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Sinakyan ng beteranong si Jonathan Hernandez, ni­lampasan ng Stravinsky ang kanyang mga karibal sa huling 150 metro ng nasabing 1,200-meter event para ang­kinin ang premyong P600,000.

Nagtala ang chestnut bay colt, anak ng Dream Romance  at Ultimate Goal, ng bilis na isang minuto at 15 segundo at may quarter times na 24, 23 at 27 para sa kanyang pitong dipang agwat sa Street Sign (Apoy Asuncion) at 10 dipa sa  Kid Solis (C. Henson)

“It’s (the victory) was the product of good teamwork among the people in my stable,” sabi ni lawyer-business­man Narciso O. Morales, mayroon ngayong tatlong PCSO Maiden race winners simula noong 2015.

Sa huling racing season ay nanaig ang Spectrum at Hot Dog na nagbigay ng tagumpay kay Morales at hi­ranging runaway overall winner sa hanay ng mga horseowners sa paramihan ng panalo at palakihan ng premyo.

Sinanay ni Atoy Sordan at pinalahian ni Tony Tan, Jr., inu­ngusan ng Stravinsky ang Foolish Princess, Street Sign, Kid Solis at second pick Magic Wallet.

Pumang-apat ang Foolish Princess (Jeff Zarate) ka­sunod ang Magic Wallet (Mark Pilapil).

Samantala, sa report ng Philracom ay nakapagtala na si Morales ng 110 wins,136 runnerup, 122 third at 122 fourth-place finishes sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo kasunod ang SC Stockfarm (41-26-14-15) at Stony Road Horse farm (29-29-25-17).

Sa hanay ng mga jockeys ay napanatili ni Jesse Guce ang pamumuno sa kanyang 101 wins kasunod ang 82 si Hernandez at 59 si Mark Alvarez, habang ang Low Profile ang bumabandera sa mga ka­bayo sa nakuhang P4,271,717 premyo mula sa limang panalo na tinampukan ng tagumpay sa PCSO Silver Cup noong Hunyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with