^

PSN Palaro

Cavs pipiliting bumawi sa sariling balwarte

Mitchelle L. Palaubsanon - Pilipino Star Ngayon

INDEPENDENCE, Ohio - Mula sa kanilang pagdayo sa Toronto bitbit ang 2-0 bentahe ay nagbalik ang Cleveland Cavaliers sa United States na lulugu-lugo.

Nakabangon ang Raptors sa Game 3 at 4 para itabla sa 2-2 ang kanilang Eastern Conference finals series ng Cavaliers.

“They flipped the script on us,” sabi ni Cavs coach Tyronn Lue sa Raptors.

Matapos talunin ng Cavaliers sa pinagsamang 50 points sa Games 1 at 2 ay nakabawi ang Raptors para gawing best-of-three ang kanilang serye.

Nabigong limitahan sina Toronto All-Star guards Kyle Lowry at DeMar DeRozan sa scoring at ilayo si Raptors super sub Bismack Biyombo sa boards, nasa balag ngayon ng alanganin ang Cavaliers.

Naglahong bigla ang pamatay na porma ng Cleveland kung saan sila nakapagtala ng 10-0 record sa postseason.

Noong Martes ay nagdaos ang Cavs ng film sessions para pag-aralan ang kanilang pagkakamali sa Game 3 at 4 sa Toronto.

Sa kanilang 99-105 pagkatalo sa Game 4 ay tinambakan ng Raptors ang Cavaliers ng 16 points sa first half.

Pinilit ng Cleveland na makalapit gamit ang mas maliit na lineup na hindi kasama si Kevin Love, ngunit hindi nila napigilan sina Lowry at DeRozan.

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with