^

PSN Palaro

Pacquiao itinutulak ang 1Pacman sa Kongreso

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi prayoridad ng mga presidential candidates ang sports, gustong tiyakin ni eight-division boxing world champion at senatorial aspirant Manny Pacquiao na mabibigyan ito ng sapat na atensyon sa legislative branch.

Kaya naman ineendroso ni Pacquiao, nakakatiyak na ng silya sa isa sa 12 Senate seat, ang 1Pacman sa party list race para sa Congress.

“I am appealing to the voters nationwide to vote for 1Pacman this coming elections.” sabi kahapon ni Pacquiao. “1Pacman will fight for people’s interest in Congress in promoting good governance and in impro­ving the ailing sports program in the country.”

Pinili bilang 1Pacman’s top nominee ay si businessman-sportsman Mikee Romero, kagaya ni Pacquiao, ay isa ring action man.

Ang ibig sabihin ng 1Pacman ay One Patriotic Coalition of Marginalized Nationals.

Team owner ng Globalport Batang Pier sa Philippine Basketball Association (PBA), ginastusan din ni Romero ang national team na nagdomina noong 2007 Southeast Asian Games. Sinuportahan din niya ang mga koponang nanalo ng mga titulo sa ASEAN Basketball League (ABL) at sa Philippine Basketball League (PBL).

Maliban sa pagiging isang one-time godfather ng Phi­lippine amateur basketball, minsan ding pinamahalaan ni Romero ang shooting at cycling groups na nagpakita sa kanyang pagiging action man.

Bilang isang bilyonaryo, sinabi ni Romero na kung mailuluklok sa Kongreso ay ibibigay niya ang kanyang suweldo sa sports development at nangakong hihingan ng tulong ang kanyang mga kabigan para sa pagbuhay sa “godfather” system na magpopondo sa mga national teams, lalung-lalo na para sa Olympics.

Maliban kay Pacquiao, tinalo si Timothy Bradley sa kanyang farewell fight noong April 9 a Las Vegas, ang 1Pacman ay ineendorso din ng ilang PBA superstars.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with