^

PSN Palaro

UAAP crown inagaw sa Ateneo nadale rin ng La Salle

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinarak ng De La Salle University ang agresibong 19-25, 25-21, 25-16, 25-16 desisyon upang hubaran ng korona ang Ateneo de Manila University at matamis na angkinin ang kampeonato ng UAAP Season 78 women’s volleyball tournament kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Ibunuhos na ni Kim Dy ang buong lakas nito matapos humataw ng 16 attacks at isang ace upang tulungan ang Lady Spikers na maibalik sa kanilang teritoryo ang korona--ang kanilang ikasiyam na titulo sa liga.

“We just gave it all. We’re so thankful to the La Salle community for cheering for us, for staying there through ups and downs. Hindi ko ma-explain yung feeling, sob­rang saya namin dahil pinaghirapan talaga namin ito,” pahayag ni Dy.

Umariba rin si middle hitter Mary Joy Baron na nagdag­dag ng 11 puntos gayundin sina graduating pla­yers Mika Reyes, Ara Galang at Cyd Demecillo na pare-parehong nagtala ng siyam na puntos para sa La Salle.

“Na-meet na namin yung goal namin. Wala nang sakit sakit, hindi ko na iniinda yung sakit dahil mas lamang na yung sarap ng panalo. Personally, nag-doubt ako sa sarili pero hindi ako nawalan ng tiwala sa teammates ko,” wika ni Galang na dating MVP.

Nasandalan din ng Lady Spikers si Kim Fajardo na gumawa ng 51 excellent sets at 11 digs gayundin si Best Digger at Best Receiver Dawn Macandili na may 27 digs.

Tinapos ng La Salle ang best-of-three championship series tangan ang 2-1 rekord. Wagi ang Lady Spikers sa Game 1 (25-22, 25-22, 25-21) bago nanaig ang Lady Eagles sa Game 2 (18-25, 26-28, 25-17, 25-16, 15-11).

Lumabas ang malalim na karanasan ng Lady Spi­kers na umiskor ng 10 blocks, walong aces, 60 digs at 37 receptions.

Nanguna para sa Lady Eagles si team captain Alyssa Valdez na kumana ng 31 puntos subalit hindi ito nakakuha ng sapat na suporta mula sa kanyang katropa partikular na kina Amy Ahomiro at Bea De Leon na naglista lamang ng pinagsamang walong puntos.

Nagpahirap din sa Ateneo ang 33 unforced errors nito na karamihan ay sa service line at miscue plays sa krusyal na sandali ng laban.

Bigo si Valdez na magkaroon ng engradeng pagtatapos ang kanyang collegiate career. Gayunpaman, mananatiling maningning ang kanyang karera tangan ang tatlong MVP awards kasama pa ang ilang Best Scorer, Best Spiker at Best Server trophies sa kanyang limang taong paglalaro para sa Ateneo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with