Mahindra vs Globalport; Ginebra import susukatan ng NLEX
Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Mahindra vs Globalport
7 p.m. Ginebra vs NLEX
MANILA, Philippines – Bukod sa nagdedepensang Talk ‘N Text, San Miguel at Alaska, ang isa pang koponang inaabangan sa 2016 PBA Commissioner’s Cup ay ang Barangay Ginebra.
Hinugot ng Gin Kings ang dating import ng Tropang Texters para matulungan silang makapasok sa Final Four ng komperensya.
Ipaparada ng Ginebra si 6-foot-5 reinforcement Othyus Jeffers sa kanilang pagharap sa NLEX ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Sa kanyang nag-iisang laro sa PBA noong 2014 Governor’s Cup para sa Talk ‘N Text ay naglista ang 30-anyos na si Jeffers ng 38 points, 13 rebounds at 2 steals.
Kinailangan ni Jeffers na iwan ang PBA dahil sa technicality sa kanyang pinirmahang kontrata sa Minnesota Timberwolves sa NBA.
Lumagda siya ng isang 10-day $35,868 contract sa Minnesota walong araw bago matapos ang NBA regular season.
“He’s been off playing for about maybe six months,” ani Cone, ang two-time PBA Grand Slam champion coach, kay Jeffers. “His real play was the NBA Summer League, although he joined some leagues in Chicago. He’s working his way to shape a little bit, but he’s going to land us some great versatility, which is kind of what we need.”
Napanood si Jeffers sa 37 games sa tatlong NBA seasons para sa Utah Jazz, San Antonio Spurs, Washington Wizards at Timberwolves at nagtala ng mga averages na 3.8 points at 2.6 rebounds.
“I prefer an import who gets involved in rebounding, defense and creating.That’s why I think Othyus is a good fit for us,” sabi ni Cone kay Jeffers na makakatuwang nina seven-foot center Greg Slaughter at 6’8 forward Japeth Aguilar sa frontline.
Muli namang kinuha ng Road Warriors ni Boyet Fernandez si NBA veteran Al Thornton sa kanilang pagharap sa Gin KIngs.
Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon ay magtatagpo naman ang Globalport at ang Mahindra.
Itatampok ng Batang Pier si import Brian Williams, habang itatapat ng Enforcers si Augustus Gilchrist.
- Latest