^

PSN Palaro

Bradley hinubaran ng WBO ng welterweight belt; Pacquiao walang makukuhang korona sakaling manalo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mas pinili ni Timothy Bradley, Jr. na muling labanan ang isang magreretiro nang boxing superstar kesa sa isang gumagawa pa lamang ng pangalan.

Kaya naman isinakripisyo ni Bradley ang kanyang suot na World Boxing Organization para lamang muling ma­kasagupa si Manny Pacquiao sa kahuli-hulihang pag­kakataon.

Pormal nang inalis ng WBO kay Bradley ang suot nitong welterweight belt dahil sa kabiguang magdepensa laban kay mandatory challenger Sadam Ali.

Kahit manalo ay walang makukuhang world boxing crown ang 37-anyos na si Pacquiao sa kanilang ikatlong paghaharap ng 33-anyos na si Bradley sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“As you know I will be fighting Manny Pacquiao on April 9, 2016 in Las Vegas, NV,” sabi ni Bradley sa kanyang sulat kay WBO president Paco Valcarcel noong Pebrero 4. “To accept this fight invariably means I cannot comply with my mandatory obligation and must forgo the mandatory against Sadam Ali, as ordered by the WBO.”

“This is a difficult decision, but one I have to make to give fans the best fights as well as allow myself the tou­gh­­est and biggest fights possible from both a competitive and financial perspective,” dagdag pa ng American fighter.

Ito ang sinasabing magiging pinakahuling laban na gagawin ni Pacquiao bago tuluyang magretiro at tutukan ang kanyang political career kung saan siya tumatakbo para sa isang Senatorial seat sa national elections sa Ma­yo.

Bago niya pormal na isabit ang kanyang boxing gloves ay gusto ni Pacquiao na mapabagsak si Bradley.

Tinalo ni Bradley si Pacquiao sa una nilang pagtutuos no­ong Hunyo ng 2012 bago nakabawi si ‘Pacman’ sa ka­nilang rematch noong Abril ng 2014.

Sinabi ni Bradley na gusto niyang siya ang maging pi­nakahuling boksingerong magpapatikim ng kabiguan kay Pacquiao bago ito magretiro.

Dalawang beses nakamit ni Bradley ang nasabing WBO welterweight title at minsan nang naghari sa light welterweight division.

Ang binitawang WBO welterweight belt ni Bradley ay pag-aagawan naman nina Ali (22-0-0, 13 KOs), isang 2008 U.S. Olympic Games campaigner, at dating light welterweight titlist Jessie Vargas (26-1-0, 9 KOs) sa Marso 5 sa undercard ng heavyweight fight nina Luis Ortiz at Tony Thompson sa DC Armory sa Washington, D.C.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with