Mayweather ipinasa ang sisi ng mga fans kay Pacquiao
MANILA, Philippines – Habang naka-move on na si Manny Pacquiao ay patuloy pa rin siyang sinisisi ni Floyd Mayweather Jr. ukol sa naging matamlay nilang laban noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Sa isang panayam ng Showtime ay sinabi ni Mayweather na hindi siya ang dapat pagalitan ng mga fans kundi si Pacquiao.
“The fans have to be mad at Pacquiao,” sabi ni Mayweather. “They can’t be mad at me. I’ve done my job.”
Sinabi pa ng 38-anyos na American world five-division titlist na ginawa lamang niya ang kanyang estratehiya para pigilin ang bawat suntok ng Filipino world eight-division champion na si Pacquiao.
“I never said I was a checkers player. I’m a chess player. I play chess. Every move is calculated,” wika ni Mayweather. “But the fans should’ve thought about that when I was running through everybody at one particular time.”
Tinalo ni Mayweather (48-0-0, 26 KOs) si Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) via unanimous decision kung saan nagkaroon ng right shoulder injury si ‘Pacman’ sa fourth round.
Matapos ang limang araw ay sumailalim sa surgery ang 36-anyos na si Pacquiao at inaasahang magbabalik sa aksyon sa susunod na taon.
Ilan sa mga pangalan na binanggit nina Bob Arum ng Top Rank Promotions at chief trainer Freddie Roach na maaaring labanan ni Pacquiao ay sina Danny Garcia (31-0-0, 18 KOs), Amir Khan (31-3-0, 19 KOs) at WBO lightweight welterweight king Terence Crawford (26-0-0, 18 KOs).
Itataya naman ni Mayweather ang kanyang mga hawak na WBA at WBC welterweight belts laban kay Andre Berto (30-3-0, 23 KOs) sa Setyembre 12 sa MGM Grand.
Sinabi ni Mayweather na ito ang kanyang magiging pinakahuling laban bago magretiro.
- Latest