^

PSN Palaro

Veteran forward kinuha ng Bucks; Miller pumirma ng deal sa Timberwolves

Pilipino Star Ngayon

MILWAUKEE -- Pina­pir­ma ng Bucks si free-agent forward Chris Copeland para bigyan ng eks­peryensa ang kanilang frontcourt.

Hindi ibinunyag ni ge­neral manager John Ham­mond ang detalye ng kon­trata ni Copeland.

Naglaro ang 6-foot-8 na si Copeland sa huling dalawang seasons sa Indiana Pacers at nagtala ng mga averages na 6.2 points at 2.2 rebounds sa 50 games noong 2014-15.

Isang undrafted mula sa Colorado noong 2006, naglaro si Copeland sa ibang bansa at sa NBA D-League bago nakapasok sa NBA nang kunin ng New York Knicks noong 2012-13.

Nakasabay ni Copeland sa Knicks si Bucks coach Jason Kidd.

Habang nasa kampo ng Pacers ay nasaksak si Copeland sa siko at tiyan sa labas ng isang New York nightclub noong umaga ng Abril 8.

Sinabi ng Milwaukee na nakare-cover na si Copeland sa kanyang mga injury.

Sa Minensota, kinuha ng Timberwolves si veteran guard Andre Miller para sa isang one-year deal.

Makakasama ng 39-anyos na si Miller sa front­court rotation ng Tim­ber­wolves sina starter Ric­ky Rubio at rookie backup Tyus Jones.

Nakausap na ni Miller sina coach Flip Saunders at GM Milt Newton pati na ang ilang team officials at nilibot ang bagong practice facility ng Timberwolves.

Matapos ang ilang oras ay pumayag si Miller sa isang one-year deal para sa veteran’s minimum.

Maglalaro si Miller para sa kanyang pang-17 season.

Nagtala siya ng mga averages na 12.8 points at 6.7 assists sa kanyang career para sa iba’t ibang NBA teams kung saan siya napakinabangan.

vuukle comment

ACIRC

ANDRE MILLER

CHRIS COPELAND

COPELAND

FLIP SAUNDERS

INDIANA PACERS

JASON KIDD

JOHN HAM

MILT NEWTON

NEW YORK

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with