^

PSN Palaro

PSL dadayo SA Biñan, Laguna Petron, Foton agawan sa liderato

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Alonte Sports Arena Binan, Laguna)

4:15 pm  Petron vs Foton

6:15 pm Shopinas vs Mane ‘N Tail

MANILA, Philippines – Magsusukatan ang mga nanalo sa pagbubukas ng 2015 Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Confe­rence na Petron Lady Blaze Spikers at Foton Tornadoes  para sa liderato na gagawin ngayon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Sa ganap na alas-4:15 ng  hapon ito mapapanood at susundan ng unang pagtutuos ng baguhang koponang Shopinas Lady Clickers at Mane ‘N Tail Lady Stallions.

Ang Lady Clickers ay binubuo ng mga dating nagsama-sama sa AirAsia at Generika para ipalagay na palaban sa ligang inor­ganisa ng SportsCore katuwang ang Asics, Mikasa, Senoh, Mueller Sports Medicine, Via Mare, LGR at Healthway Medical.

Nawala lang sa Shopinas sina Aby Maraño, Michelle Gumabao at Melissa Gothing pero nakikinabang rito ang ibang  players dahil mas mabibigyan sila ng playing time upang maipakita ang angking galing.

Sa pangunguna ni Din­din Santiago-Manabat ay nakuha ng Petron ang u­nang panalo sa pamama­gitan ng 25-16, 25-18, 25-23, laban sa Philips Gold.

Mas titikas pa ang koponan dahil inaasahang maglalaro na si Rachel Ann Daquis.

Ipantatapat ng Tornadoes ang lakas ng mga batang manlalaro na sina Angeli Araneta, Pamela Lastimosa, Nicole Tiamzon at Patty Orendain.

vuukle comment

ABY MARA

ALL-FILIPINO CONFE

ALONTE SPORTS ARENA

ALONTE SPORTS ARENA BINAN

ANG LADY CLICKERS

ANGELI ARANETA

FOTON TORNADOES

HEALTHWAY MEDICAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with