^

PSN Palaro

Lady Spikers ikakasa ang Finals

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabante sa Finals ang pagsisikapang gawin ng La Salle Lady Archers sa pagsukat sa inspiradong National University Lady Bulldogs sa pagpapatuloy ng 77th UAAP women’s volleyball step-ladder semifinals ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Pumangalawa ang Lady Archers sa double round elimination (12-2) upang magkaroon din ng mahalagang twice-to-beat advantage sa Lady Bulldogs.

Mangangahulugan na kailangan lamang manalo ng La Salle sa larong ito  para maitakda ang mu­ling pagharap sa karibal at nagdedepensang Ateneo Lady Eagles sa Finals.

Ang larong ito ay mapapanood dakong alas-4 matapos ang pagkikita ng nagdedepensang kampeon National University Bulldogs at Ateneo Eagles sa Game One sa men’s finals sa ganap na alas-2 ng hapon.

Ito ang ikalawang sunod na taon na magtutuos ang Bulldogs at Eagles at nais ng una na maulit ang tagumpay noong nakaraang taon para palawigin sa tatlong sunod ang pangu­nguna sa liga.

Hanap ng Lady Archers ang ikapitong sunod na paglalaro sa Finals kung sakaling mapabagsak ang Lady Bulldogs.

Ngunit hindi magiging madali ang pakay na ito ng La Salle dahil mataas ang morale ng NU matapos ipanalo ang huling apat na laro.

Huling koponan na pinabagsak ng NU ay ang FEU Lady Tams sa apat na sets para manatiling buhay ang paghahabol sa kanilang kauna-unahang titulo matapos magkampeon sa liga noong 1953 at 1956.

vuukle comment

ATENEO EAGLES

ATENEO LADY EAGLES

GAME ONE

LA SALLE

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY

LADY ARCHERS

LADY BULLDOGS

LADY TAMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with