^

PSN Palaro

Tigresses binawian ang Lady Falcons

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

8 a.m. Ateneo vs Adamson (M)

10 a.m. NU vs UST (M)

2 p.m. La Salle vs UP (W)

4 p.m.  NU vs Ateneo (W)

 

MANILA, Philippines - Nailista ng UST Tigres­­ses ang kanilang kauna-unahang back-to-back wins sa 77th UAAP women’s volleyball nang bawian ang Adamson Lady Falcons, 25-19, 25-16, 23-25, 25-15, kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Ang panalo ay ikatlo matapos ang walong laro para makapantay ang Lady Falcons sa anim at pitong puwesto.

Si Ennajie Laure ay gumawa ng 16 kills tungo sa 19 puntos habang ang mga beteranang sina Pamela Lastimosa, Marivic Me­neses at Carmela Tunay ay naghatid pa ng 16,14 at 12 puntos, si Tunay ay may 10 digs bukod sa limang blocks, para mabawian ang Lady Falcons na unang nanalo sa apat na sets sa first round.

May limang blocks din si Meneses para angkinin ng UST ang 17-4 kalamangan sa departamento upang isama sa 50-41 pangu­nguna sa attack points at 4-2 sa service.

Sina Amanda Villa­nueva at Mylene Paat ay may 14 at 12 puntos at nagsanib sa 23 kills pero ang kinamada ay mababa sa pinagsamang 30 puntos nang nanalo sa unang pag­tutuos.

Samantala, winalis ng FEU Lady Tamaraws ang dalawang pagtutuos nila ng UE Lady Warriors, 25-16, 25-17, 22-25, 25-18, sa unang laro.

May 12 kills para sa 14 puntos si Bernandeth Pons habang may 11 hits si Remy Palma para sa Lady Tamaraws na dumikit ng kalahating laro sa UP Lady Maroons (4-4) na nasa ikaapat na puwesto.

“Gumana ang depensa at attack ng mga open spikers (ng UE). Ganoon talaga, second round na ito. On and off pa rin ang laro, hindi puwedeng ganoon sa mga natitira naming laro,” ani  FEU mentor Shaq de­los Santos sa pagresbak ng kanyang tropa sa UE.

Ito ang ikasiyam na su­nod na pagkatalo ng UE ngunit nakagawa rin sila ng marka nang nakatikim ng kauna-unahang set win sa liga. (ATan)

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

ATENEO

BERNANDETH PONS

CARMELA TUNAY

LA SALLE

LADY FALCONS

LADY TAMARAWS

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with