^

PSN Palaro

Petron sinibak ang Mane ‘N Tail

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi nagpabaya ang Petron Lady Blaze Spikers sa hamong hatid ng Mane ‘N Tail Lady Stallions para kunin ang 25-16, 22-25, 25-19, 25-23, panalo sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics ka­hapon sa Muntinlupa Sports Complex.

Gumawa si Alaina Bergs­ma ng 30 puntos na sinangkapan ng 26 kills, apat na blocks at apat na aces para umangat pa ang koponan sa 8-1 karta.

Ang pagkatalo ng Mane ‘N Tail ay ang kanilang ika­pitong laban sa tatlong panalo para mamaalam na sa kompetisyong inor­ga­nisa ng Sports Core katuwang ang Air  21 My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners. Bunga nito, ang Cignal HD Spikers na may 4-5 karta ay pasok na sa semifinals anuman ang mangyari sa kanilang huling laro laban sa Foton Tornadoes sa Miyerkules.

May 30 puntos din si Kristy Jaeckel, kasama ang 25 attack points, pero hindi niya kinayang ipanalo ang Lady Stallions para sa­mahan ang Foton na magbabakasyon na sa anim na koponang liga sa kababaihan.

Huling laro ng Petron ay kontra sa Generika Life Savers sa Miyerkules at nais pa ni coach George Pascua na makuha ang panalo para magkaroon ng momentum papasok sa Final Four.

“Masaya ako dahil bu­malik na ang intensity ng team. Pero hindi puwedeng magpabaya dahil kaila­ngan namin ng winning momentum papasok sa Final  Four,” wika ni Pascua.

Bilang number one team, makakatapat ng Petron ang number four team na madedetermina matapos ang aksyon sa double round elimination na gagawin sa Biñan, Laguna sa Miyerkules.

vuukle comment

ALAINA BERGS

FINAL FOUR

FOTON TORNADOES

GENERIKA LIFE SAVERS

GEORGE PASCUA

HEALTHWAY MEDICAL

JINLING SPORTS

MIYERKULES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with