^

PSN Palaro

Bedans, Arellano agawan sa Game 1

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magtatangka ngayon ang San Beda Red Lions na dumikit sa kanilang ikalimang sunod na titulo sa pagsisimula ng 90th NCAA Finals sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kalaban ng Lions ang Arellano Chiefs sa tampok na laro sa ganap na alas-4 ng hapon sa pagbubukas ng best of three series.

Ito ang ika-siyam na pag­kakataon na nasa cham­­pionship series ang San Beda at sa bilang na ito ay nakawalong titulo sila, ang huli ay nakuha mula 2010 hanggang noong nakaraang taon.

Sina Ola Adeogun, Ba­ser Amer, Arthur dela Cruz at Anthony Semerad ay magbabalik sa mga stars ng koponan para bigyan pa ng isang titulo ang Lions ni coach Boyet Fernandez.

“This is not going to be easy. Not because we are a four-time defending champion will guarantee us of the title,” wika ni Fernandez.

Ang Chiefs ay nasa u­nang taon ng pagtapak sa Finals matapos pumasok sa liga noong 2009. Mga bagito man, hinog na ang mga kamador ni coach Jerry Codiñera para tumikim ng titulo. Sina John Pinto, Jiovani Jalalon, Keith Agovida, Dioncee Holts at Prince Caperal ay mga beterano na at ang paggabay nila sa koponan sa pinakamagandang marka sa prangkisa ay sapat na patunay sa kanilang kakayahan.

Sina Jalalon at Holts ay hinirang din sa indivi­dual awards na kanilang ma­tatanggap bago ang laban. Ang parangal ay tiyak makakatulong para maipalabas pa ang nakatagong ga­ling para makasilat agad. (AT)

vuukle comment

ANG CHIEFS

ANTHONY SEMERAD

ARELLANO CHIEFS

BOYET FERNANDEZ

DIONCEE HOLTS

JERRY CODI

JIOVANI JALALON

KEITH AGOVIDA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with