^

PSN Palaro

Lady Bulldogs, Lady Eagles nadugtungan pa ang pag-asa

RCadayona/MMendoza - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumangon ang Lady Bulldogs mula sa dalawang sunod na kamalasan para buhayin ang kanilang tsansa sa Shakey’s V-League Season II Open Confe­rence.

Pinasadsad ng National University ang Philippine National Police, 25-23, 25-16, 25-18, tampok ang tig-12 kills nina Jaja Santiago at Myla Pablo, kahapon sa The Arena sa San Juan.

Nakabawi ang NU mula sa naunang pagyukod sa Army at nagdedepensang Cagayan Valley.

Tumapos si Santiago na may 18 hits, kasama dito ang 3 blocks at 3 aces, samantalang may 5 points si setter Ivy Perez para igiya ang Lady Bulldgos sa 2-2 kartada.

Nakatakdang labanan ng Bustillos-based squad ang PLDT Home Telpad bukas kung saan hangad ng Power Boosters na makabangon sa straight-set loss sa Lady Troo­pers noong nakaraang Huwebes.

Nagtala si Frances Molina ng 15 hits para sa Lady Patrollers na may 0-5 baraha at nalagay sa peligro sa nasabing mid-season conference ng ligang itinataguyod ng Shakey’s.

Bagamat nagrehistro ang PNP ng 32 kills ay nakakuha lamang ang Lady Patrollers ng 12 excellent sets mula kay Jane Ticar.

Nagdagdag si Jane Mandapat ng 8 markers, habang may tig-5 points sina Jorelle Singh at Pe­rez para sa NU, hangad maduplika ang kanilang pagrereyna sa First Confe­rence sa Season 10.

Sa ikalawang laro, kinailangan ng Ateneo na bumangon sa deciding fifth set upang matakasan ang University of the Philippines, 25-15, 24-26 25-21, 21-25.

vuukle comment

CAGAYAN VALLEY

FIRST CONFE

FRANCES MOLINA

HOME TELPAD

IVY PEREZ

JAJA SANTIAGO

JANE MANDAPAT

JANE TICAR

LADY PATROLLERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with