^

PSN Palaro

Aces hiniritan ng panalo ang Beermen sa Biñan, Laguna

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

5:45 p.m. Globalport vs Rain or Shine

8 p.m. San Mig Coffee vs Talk ‘N Text

 

MANILA, Philippines - Pinigil ng nagdedepensang Alaska ang tatlong sunod na arangkada ng San Miguel Beer matapos kunin ang 89-78 panalo para sa kanilang pangalawang dikit na ratsada sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna.

Ang tagumpay ang nagtabla sa Aces sa ika­apat na puwesto kahanay ang Meralco Bolts at Air21 Express, habang nanatili naman sa ikalawang puwesto ang Beermen.

 Isang 13-0 atake nina Best Import Rob Dozier, JVee Casio, Cyrus Baguio at RJ Jazul sa huling tatlong minuto ang nag-akay sa Alaska sa kanilang panga­lawang sunod na ratsada.

Matapos ang layup ni guard Sol Mercado para sa 78-76 abante ng San Miguel ay nagtuwang naman sina Dozier, Casio at Baguio para ibigay sa nagtatanggol sa korona ang 84-78 bentahe sa 2:07 minuto ng fourth quarter.

Ang apat na sunod na free throws nina Jazul at Baguio ang nagbigay sa Aces ng 10-point lead, 88-78, kontra sa Beermen sa natitirang 30.8 segundo.

Nauna nang kinuha ng Alaska ang first half, 37-32, hanggang maagaw ng San Miguel ang 62-60 kala­ma­ngan sa dulo ng third period.

Samantala, nakatakdang iparada ng Rain or Shine ang bagong import na si Wayne Chism bilang kapalit ni Alex McLean sa kanilang pagsagupa sa Globalport bukas sa Big Dome.

Naunahan ng Elasto Painters ang Ginebra Gin Kings para sa serbisyo ni Chism, nauna nang naglaro sa Barako Bull Energy Cola sa pre-season games.

vuukle comment

ALONTE SPORTS CENTER

BARAKO BULL ENERGY COLA

BEERMEN

BEST IMPORT ROB DOZIER

BIG DOME

CASIO

CYRUS BAGUIO

ELASTO PAINTERS

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with