^

PSN Palaro

Pilipinas magiging punong abala sa 2 malaking volleyball event

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang malalaking internasyonal na kompetis­yon sa volleyball ang gagawin sa bansa sa taong ito.

Una na rito ay ang pag­larga ng Asian Men’s Club Volleyball Championship na itinakda sa Abril habang ang Asian Youth Girls’ Volleyball Championship ay gagawin sa Mayo.

Ayon kay Philippine Volleyball Federation (PVF) secretary-general Rustico “Otie” Camangian, ang da­lawang hosting na ito ay mangyayari dahil sinusuportahan ang Pilipinas ng Asian Volleyball Confede­ration (AVC).

“Masuwerte tayo dahil ang AVC ay tumutulong sa atin para maitaas uli ang volleyball sa bansa. Mangyayari ito kung makakapaglaro ang ating mga players sa international tournaments kaya ibinigay ng AVC ang dalawang tournaments na ito,” wika ni Camangian.

Hindi naman mababakante ang women’s volleyball players dahil bubuo ang PVF ng pambansang koponan na ilalaban sa Asian Women’s Club Championship mula Hulyo 7 hanggang 15 sa Nakhonpathom, Thailand.

Isang malaking kumpanya na sumusuporta sa women’s volleyball ang sinasabing magpopondo sa delegasyon na gagamitin ang Asian Women’s bilang qualifying event para makalaro sa Asian Games sa Incheon, Korea.

vuukle comment

ASIAN GAMES

ASIAN MEN

ASIAN VOLLEYBALL CONFEDE

ASIAN WOMEN

ASIAN YOUTH GIRLS

CAMANGIAN

CLUB CHAMPIONSHIP

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with