^

PSN Opinyon

Dagdag-singil ng Meralco uutay-utayin!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG balita ang pag-utay-utay ng Meralco sa bayarin sa kuryente. Naglabas na ang Meralco ng anunsyo ukol sa pagtaas ng presyo ng kuryente ngayong buwan. Umabot sa kabuuang P1.08 kada kilowatthour (kWh)ang itinaas ng presyo ng kuryente para sa Pebrero. Bilang tulong sa mga konsyumer ay napagdesisyunan ng kumpanya na hatiin sa dalawang buwan ang naturang increase. P0.75 kada kWh ang ipapataw na singil ngayong Pebrero at sa Marso naman ang natitirang P0.33 kada kWh. Maaalala noong nakaraang buwan pa lamang, bagama’t bumaba ang singil ng kuryente sa halagang P8.72 kada kWh, ay talagang nagbigay paalala na ang Meralco ukol sa nagbabadyang pagtaas ng presyo ng kur­yente para sa Pebrero.

Hinikayat nila ang customers na panatilihing ugaliin ang matalinong paggamit ng kuryente upang makamenos kahit paano sa matinding epekto ng dagdag singil sa buwang ito. Paliwanag ng kumpanya na ang dagdag singil ay bunsod ng pagbalik sa normal ng ilang mga charges na binabayaran ng mga distribyutor ng kuryente gaya ng Meralco sa mga generator na pinagkukuhanan ng kuryente ng mga ito. Nakadagdag din ang paghina ng piso kontra dolyar at ang epekto ng bagong reporma sa tax na mas kilala nating lahat sa tawag na TRAIN. Sinubukan namang ipaliwanag ng Meralco ang sinasabi nitong normalisasyon ng presyo na karaniwang pumapasok sa buwan ng Pebrero.

Sa kanilang paliwanag, ang mga generator ng kuryente ay binabayaran na nila ng buo para sa serbisyo nito sa buong taon. Nakasaad sa kontratang aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC) na tinatawag na Power Supply Agreement (PSA) ang kabuuang halaga ng ser­bisyong ito. Nakapaloob dito ang tinatawag na outage allo­wance na tumutukoy sa dami ng oras na maaaring gamitin ng mga planta upang ihinto pansamantala ang operasyon nito para sa maintenance, emergency, at kinakailangang mga repair.

Kung naging maganda ang operasyon ng mga planta at hindi nila naubos ang outage allowance, maaaring mas lumiit o wala nang sisingilin na capacity fee ang mga generator ng kuryente sa huling buwan ng taon. Ang epekto nito ay nararamdaman sa buwan ng Enero. Sa madaling salita, nagkakaroon ng reconciliation. Matapos ang pagbaba ng presyo ng kuryente sa buwan ng Enero bunsod nga ng reconciliation ng lahat ng binayaran ng distribyutor sa mga planta ng kuryente ay babalik na sa normal ang presyo ng mga ito dahil sa panibagong cycle ng kontrata o PSA.

Kumplikado talaga ang industriya ng kuryente sa bansa. Kaya hindi rin maiwasan na ang Meralco ang nasisisi kapag may ganitong paggalaw ng presyo ng kuryente kahit na nananatiling walang pagbabago mula pa noong Hulyo 2015 sa presyo ng distribution charge o ang bahagi ng bill na napupunta sa Meralco. Mainam nga’t sinusubukan ng Meralco na ipaintindi ang mga ganitong bagay sa ating mga konsyumer. Saan pa man mapunta ang usapang ito sa dagdag singil sa kuryente, ang mahalaga naman sa ngayon ay ang pagsasaalang-alang Meralco sa mga konsyumer nito  na nagbigay daan sa desisyon nitong hatiin sa dalawang buwan ang kabuuang pagtaas ng singil ngayong buwan ng Pebrero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with