^

PSN Opinyon

Ang gobierno at MIASCOR

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

GUSTONG makipag-appear este mali aapila pala ang pamunuan ng MIASCOR Groundhandling Corporation kay Boss Digong upang bigyan sila ng ‘one more chance’ para manatili ang kanilang kontrata sa mga airport complex sa Philippines my Philippines partikular sa NAIA.

Bakit pa?

Ngayon pang nabuko ang mga  magnanakaw. Nagpabaya kasi sila? 

Aapila ang MIASCOR sa gobierno dahil mukhang hindi sila makatulog sa laki ng salaping mawawala sa kanilang kumpanya.

Sabi nga, sayang! 

Bhe, buti nga!

Ang problema sa ngayon galit na galit si Boss Digong at mukhang hindi pa puedeng himasin  para alisin sa isipan nito ang mga damuhong nagnakaw na mga tauhan ng MIASCOR sa OFW from Canada na tinira sa Clark International Airport.

Kasi nga, hindi lamang kahihiyan ang ginawa ng mga kamoteng magnanakaw sa madlang Pinoy kundi gusto nilang bigyan ng malaking problema ang Philippines my Philippines sa mata ng mga bibinyagan este mali banyaga pala abroad at ibalik ang isyu para takutin ang mga pasahero na ang ating international airport ay isa sa ‘most worst airport’ around the world.

Mukhang gusto ng mga tirador na mabalik ang  bansag na ‘world most worst airport’ ang  mga international paliparan natin tulad noon nangyari sa NAIA noong nakaraan administrasyon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpabaya kasi at masiadong nagtiwala ang MIASCOR sa mga empleado nila kaya hayun napasukan sila ng mga magnanakaw.

Bukod sa pangyayari sa Clark the other day na pinatatanggal ni Boss Digong ang raket este mali kontrata pala ng MIASCOR hindi nagpahuli sa ginawang order si MIAA general manager Ed Monreal dahil tinapos na nito ang kontrata ng kumpanya sa NAIA.

Ibinida ng MIASCOR sa kanilang praise release the other night na noon pang 1974 ang kanilang kontrata sa NAIA at wala naman daw silang naging problema noon.

Bakit?

Sagot - wala kasing nagrereklamo dahil ang alam ng mga pasaherong nawalan noon ay alaws mangyayari sa kanilang sumbong at abala lamang.

Naku ha!

Ano ito?

Sa bida ni Monreal, renewable every month ang kasunduan nila sa MIASCOR para makapag-operate ito sa NAIA.

Ika nga, ngayon sibak sila!

“Ano kaya ang mainam gawin ng MIASCOR para bumalik ang kontrata nila sa mga paliparan na sumipa sa kanila?” tanong ng kuwagong inapi.

Sagot - siguro kailangan ng mga trabahador ng MIASCOR ang body camera para malaman ang bawat galaw nila sa airport complex.

Inaangal ng pamunuan ng MIASCOR may 4,000 tauhan nila at mga pamilya nito ang magugutom oras na pinursige ang termination ng kanilang contract!

Abangan.

EDSA traffic lalong bibigat

TIRADA ng MMDA ang construction sa Metro Rail Transit 7 common terminal ay nag-umpisa na kaya naman inaasahan ang grabeng traffic papunta at palabas ng EDSA from Kyusi elliptical circle.

Dahil sa mga biradang ito magdadagdag daw ng mga tauhan ang MMDA para tumulong sa malalang traffic na mangyayari habang ginagawa ang proyekto kaya naman dapat dagdagan ang pasensiya at huwag highblood ang madlang public sa kalsada.

Para hindi late sa pagpasok at hindi mahirapan sumakay ang madlang commuters dapat umalis sila ng maagang-maaga para hindi sila gaanong maapektuhan ng grabeng traffic? sabi ng kuwagong manghuhula.

Tanong - tama ba ang suggestions?

Sagot - walang magagawa kundi ang magdagdag ng mass transportation dahil lumiliit ang kalsada sa dami nang mga sasakyan sa street..

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana sa gagawin dagdagan blues nang mga traffic enforcers ng MMDA, dapat siguruhin ng mga ito na gagawin nila nang maayos ang kanilang trabaho hindi iyong nakatumpok sila sa isang lugar kung saan may TV camera para ipakita sa madlang viewer na sila ay nagti-text este mali nagta-traffic. Hehehe!

‘Para mo makita ang reklamo natin punta ka sa EDSA - LRT North station sa morning at makikita mo ang isang pulutong na mga traffic enforcers including LTO at PNP-HPG, na nakatayo sa kalsada at nag-kukuentuhan lang?’ sabi ng kuwagong aswang.

Bakit hindi ikalat ang mga pulu-pulutong na traffic enforcers na nasa ESDA North station para makita ng mga motorista partikular ang mga abusadong bus drivers na ginagawa nila ang trabaho nila para maserbis­yuhan ang madlang people.

Sabi nga, dapat mang-huli dito, mang-huli doon!

Ayon sa observation ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, paglagpas nang mga sasakyan sa pulu-pulutong na traffic enforcers kanya-kanya na naman pang-abuso at harumbahan ang ginagawa sa pagmamaneho nang mga kamoteng drivers partikular ang mga bus drayber na nag-uunahan, nagka-karera at nagsasaltuhan pa sa pagkuha ng mga pasahero sa EDSA.

Alam ng mga drayber ng bus kung sinong ang mga bagong MMDA traffic enforcers na nakatayo sa kalsada at alam din nila kung sino ang may paniket kaya naman pagnakita ng mga abusadong bus drivers ang mga kinukuento natin tumataas ang mga sungay nila at nagba-barumbado na sa pagmamaneho. sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ano ang mainam gawin?

Iyan ang itanong mo kay MMDA chairman Danny Lim, na hindi na nakikita ng madlang people?

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with