^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ganid na negosyante nararapat bantayan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ganid na negosyante nararapat bantayan

KAILANG magbantay ang Department of Trade and Industry (DTI) sapagkat maraming ganid na negosyante ngayon ang naglitawan dahil sa ipi­natutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN). Maraming negosyante ang agad-agad nagtataas ng presyo ng kanilang produkto kahit hindi pa naman dapat magpataw ng presyo.

Gaya halimbawa sa mga gas company, hindi pa lubusang naipatutupad ang TRAIN ay nag-anun­siyo na agad na magtataas sila ng presyo ng petroleum products. Pumalo agad sa mahigit P50 ang isang litro ng gasolina. Malinaw naman ang sinabi ng Department of Energy (DOE) na hindi pa dapat magtaas ng presyo ang gas companies sapagkat lumang stock pa ang nasa kanilang mga tangke. Lumang presyo na wala pang excise tax ang kanilang gasoline kaya hindi pa sila nararapat magtaas. Pero hindi nangyari ang babala ng DOE sapagkat agad ngang pumalo ang presyo ng gasoline, diesel at kerosene. May ilang gasoline station na manual ang pagsusulat ng resibo at malay pa ng customer kung mayroong duplicate iyon para sa BIR copy.

Sa ilalim ng TRAIN, pinatawan ng mataas na buwis ang matatamis na produkto gaya ng softdrinks at iba pang beverages. Tumaas ang softdrinks at iba pang matatamis na inumin dahil dito. Sa mamamayan binawi ang ipinatong na value added tax.

Sa ilalim din naman ng TRAIN, ang mga kumikita nang kakarampot ay wala nang binabayarang tax. Pero dahil sa pagtaas ng mga bilihin, balewala rin ang nawalang tax sa suweldo. Napunta lang sa mataas na bilihin.

Ang nararapat gawin ng pamahalaan ay ma-monitor ang mga presyo ng bilihin at baka itinataas na ito ng mga “buwitreng” negosyante. Sikapin ng pamahalaan na huwag mapagsamantalahan ng mga ganid na negosyante ang mamamayan. Kapag hindi nabantayan ang mga gahaman, mababalewala ang pangarap ni Digong sa mamamayan. Gusto ni Digong ay hindi mahirapan ang mamamayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with