^

PSN Opinyon

Death penalty vs. druglords

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HUMANGA ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga tirada ni Senator ‘Pacman’ Pacquiao, dahil pangarap niyang mangyari ang parusang ‘bitay’ sa mga druglords lamang sa Philippines my Philippines.

Tama si Pacman at nakakatuwa kung iisipin dahil parusang kamatayan ang gusto niya para sa mga druglords lamang.

Sana matuloy!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mamamatay tao ang mga druglords dahil hindi biro ang drogang ipinakakalat nila para sa mga adik.

‘Bukod sa pinatutuyo ng mga druglords ang utak ng mga adik unti-unti nila itong pinapatay.’ sabi ng kuwagong hunghang.

Hindi lang mga adik ang target nang mga druglords na patayin isinasama rin nila ang pamilya ng mga lulong sa droga. Alam naman natin mahirap magkaroon ng adik sa loob ng tahanan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ina­asahan ni Pacman na susuportahan siya ng ibang kasamahan senador sa isusulong niyang ‘death penalty’ na ang puntirya lamang ay ang mga druglords.

‘Kung may kokontra naman sa magandang plano ni Pacman sana huwag naman at baka kayo ang umano’y sumunod na magkaroon ng adik sa pamilya ?’ sabi ng kuwagong bangag.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bilang na ang araw ng mga druglords dahil malapit na nilang makausap si Satanas sa impierno. Hehehe!

Ika nga, oras na nasubasta este mali naging batas pala ito!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahirap umano makakuha ng suporta sa ibang mambabastos este mali mambabatas pala dahil may mga ayaw din sa death penalty pero baka may mga pumayag naman dahil limitado lamang ang pagbabalik ng parusang kamatayan at ito anila ay para sa mga druglords lamang at iyong mga mabibigat na ginawang krimen.

‘Huwag na kayong kumontra sa death penalty!’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kakalkalin ni Pacman, chairman ng subcommittee on justice and human rights, ang iba pang mga details para matiyak na druglord ang drug suspect na nahuli.

‘Ang mga druglords ang siyang sumisira sa ating madlang people. Sila ang dahilan kung bakit dumarami ang mga nasirang ulong adik sa Philippines my Philippines.’ sabi ng kuwagong haliparot.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga pabor sa death penalty pero mas mainam kung limitado lamang ang usapin  sa mga drug offenses at iba pang mga karumaldumal na krimen.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may three proposal na inihain ni Pacman para sa almusal este mali itulak pala ang death penalty ito anila ay sa aggravated rape,kidnapping at siempre sa drug trafficking!

‘Antayin natin kung matutuloy ang pangarap ni Pacman.’

Abangan.

Tatakas si Dong

MUKHANG gumagawa ng mga paraan ang mga handler ni Dong Yi Shan alyas Kenneth Dong na maka-exit sa Philippines my Philippines at million of pesos ang suhol para hindi siya harangin ng mga authorities kung saan man siya lalabas na lugar.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last week ay nagbigay babala si DOJ Secretary Vit Aguirre na ipupuslit palabas ng Philippines my Philippines si Dong kaya naman ang utos niya sa Immigration sa lahat ng international airports at seaports ay itaas ang alert status para huwag ito maka-exit.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Dong ay nasa watchlist order ng Immigration.

Bakit?

Sagot - kabilang si Dong sa mga inisyuhan ng subpoena ng Senate Blue Ribbon Committee, porke ito ang diumano’y ang “middle man” sa P6.4 billion worth ng shabu na nakumpiska ng Bureau of Customs last year.

Isa lang si Dong sa ikinanta ni Mark Taguba ang fixer na gumitna sa nasabing shabu shipment na pumasok sa kumpanya ni Richard Tan sa China.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may P10 million offer si Dong para maka-exit siya at  tumakas sa umano’y asunto niya todits?

‘Ang importante bantayan, amuyin, tiktikan ang mga galaw ni Dong para hindi ito maka-exit sa Philippines my Philippines.’ sabi ng kuwagong nalinglang.

Abangan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with